CHERYL POV "MASAYA KA NA?" tanong sa akin ni Kuya Jeric. Kung kanina, halos ayaw ko siyang kausapin at ayaw ko din sana siyang makita pero ngayon, nagbago na. Mahal na mahal talaga ako nitong si Kuya Jeric. At parang mas marami yata siyang pasalubong sa akin ngayon ah? "Masaya ako. Masayang masaya ako dahil kahit nasa bakasyon ka, naalala mo ako." nakangiting sagot ko At pagkatapos noon, isa-isa ko nang kinuha mula sa loob ng kotse niya ang mga pasalubong niya sa akin "Thank you, Kuya! The best talaga kayo." muli kong wika "Tsk, at inuto na naman ako. Akin na iyang iba, tutulungan na kitang dalhin ang mga iyan sa kwarto mo." sagot nya sa akin Pero, kaagad akong umiling. Kaya ko naman eh. Kahit na medyo mabigat, kayang kaya ko "NO! Kaya ko, Kuya Jeric. Baka mamaya, magbago pa ang isip mo at baka bawiin mo sa akin eh. I love you ulit, Kuya!" tuwang tuwa kong wika. Pagkatapos noon, nagmamadali na akong pumasok sa loob ng bahay Narinig ko pa ang bilin niya na mag-ing
Last Updated : 2026-10-13 Read more