Darlene's POV Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa office, nagulat ako nang sunod-sunod akong batiin ng mga kasamahan ko. "Congratulations, Darlene!" "Congrats!" "Grabe, ikakasal ka na kay Mr. Sterling!" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko man lang alam kung paano nila nalaman. Pinilit kong ngumiti habang isa-isang tumatango. "Salamat..." Ngunit sa loob-loob ko, kinakabahan ako. Ang bilis naman kumalat. At ang pinakamas nakakagulat... Pati si Jovert ay lumapit sa akin. "Congratulations, Darlene." Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano siya nakangiti nang ganoon pagkatapos ng lahat ng nangyari. "Salamat," mahina kong sagot. Maya-maya, lumapit sa akin si Andy. "Darlene, alam mo ba?" "Ano?" "Binayaran pala si Jovert ng limang milyon." Napakunot ang noo ko. "Limang milyon?" Tumango siya. "Para hindi na siya maghabol sa'yo." Nanahimik ako. Kaya pala... Hindi na siya nagtanong. Hindi na siya nagalit. Hindi na niya ako pinilit na bumalik sa kaniya. Limang milyon p
Última actualización : 2026-08-12 Leer más