Darlene POVMula nang sabihin ko kay Matthew na gusto kong tumanda kasama siya, parang may nabago sa pagitan namin.Hindi naman biglaan.Hindi rin naman sobrang laki.Pero mas ramdam ko ang lambing niya.At higit sa lahat, hindi na ako nahihiyang suklian iyon.Dati, kapag hinahawakan niya ang kamay ko, kinakabahan ako.Ngayon, kusa ko nang hinahanap ang kamay niya.Dati, kapag tinatawag niya akong wife, namumula ako.Ngayon, nginingitian ko na lang siya.At dati, takot akong isipin ang future namin.Ngayon, parang gusto ko nang malaman kung ano ang magiging buhay namin pagdating ng mga taon.Isang umaga, nagising ako dahil may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko.Hindi naman masakit.Pero parang sobrang likot ng baby.Napangiti ako."Good morning, baby."Marahan kong hinaplos ang tiyan ko."Ang aga mo naman."Bigla akong nakaramdam ng isa pang malakas na galaw.Napatawa ako."Mana ka talaga sa daddy mo."Maya-maya ay bumukas ang pinto.Si Matthew."Who are you talking to?"Napalingon
Última actualización : 2026-08-25 Leer más