공유

Chapter 59

작가: Alshin07
last update 게시일: 2026-11-02 23:17:01

Muling itinuro ni Rebecca ang ikalawang simbolo.

"Apollo handles distribution. Sila ang namamahala sa mga supplies, lalo na sa mga droga, pagpapadala sa iba't ibang lugar via air or land. Sinisiguro din nila na natatanggap ang lahat ng delivery. They also handle the logistics behind our operations."

Tumango ako nang bahagya. "Ang Athena?"

Nagbago ang ekspresyon ng aking ina nang ituro niya ang ikatlong simbolo. "Athena is responsible for research and experimentation. They handle scientific deve
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 69

    Hindi ko namalayang napakapit na pala ako sa bag na dala ko. Ilang hakbang na lamang ang pagitan ko at ng conference suite.Hindi ko na marinig ang karaniwang ingay ng gusali. Ang bawat tunog ay tila mas malinaw kaysa dati— ang mahinang pag-click ng sapatos sa sahig, ang paggalaw ng mga tauhan sa kabilang bahagi, at ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room."Rania," mahinang tawag ni Via."Nakikinig ako.""Two guards are moving away from their previous positions. But there's still someone outside the conference suite.""Copy.""Don't underestimate him.""Okay."Ilang sandali pa, nakita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng pintuan. Naka-itim na suit siya at may maliit na communication device sa tainga. Hindi siya gumagalaw nang walang dahilan. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa loob ng silid bago muling ibinalik ang pansin sa hallway.Isa siyang personal security. Hindi ordinaryong tauhan."Via.""Yes?""Nakikita ko na siya.""I know. I'm watching."Nang mapansin kong m

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 68

    Hindi ako nagmamadali. Sa ganitong uri ng misyon, ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring maging dahilan ng pagkabigo. Hindi mahalaga kung gaano ako kabilis o kung gaano karami ang kaya kong kalabanin. Ang mahalaga ay hindi ako mapansin bago ko pa man marating ang target.Sa loob ng gusali, mas ramdam ang higpit ng seguridad. Mataas ang kisame at halos buong dingding ay gawa sa salamin. Sa gitna ay may reception desk, habang nasa magkabilang panig ang mga security personnel na nagmamasid sa mga pumapasok.Sa malayo ay makikita ang mga elevator at ang mga pintuang patungo sa iba pang bahagi ng complex.Hindi ako dumaan doon.Sa halip, nanatili ako sa likod ng isang sasakyang nakaparada ilang bloke ang layo mula sa gusali. Nasa tabi ko ang maliit na bag na naglalaman ng mga kagamitang kailangan ko sa misyon. Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan ang gusaling unti-unting nagiging sentro ng operasyon namin."Rania, can you hear me?""Clear," sagot ko."Good. I'm accessing the bui

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 67

    Dumating na rin ang araw na matagal nang hinihintay ng Olympus.Maaga pa lamang ay abala na ang buong punong-tanggapan. May mga tauhang pabalik-balik sa mga pasilyo, may mga nakatutok sa kani-kanilang monitor, at may mga opisyal na abalang sinusuri ang huling mga ulat bago magsimula ang operasyon. Iba ang katahimikang bumabalot sa gusali ngayong araw. Walang biruan. Walang malakas na tawanan. Lahat ay tila nakatuon sa iisang layunin.Ang una kong misyon.Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko. Nakasuot ako ng itim na kasuotang pang-operasyon na sadyang pinili para sa akin. Nakasuklay nang maayos at nakapusod nang mahigpit ang buhok ko. Wala akong anumang alahas o palamuting maaaring maging sagabal sa pagkilos ko.Sinuri ko ang sarili mula ulo hanggang paa.Sa loob ng isang taon, halos araw-araw kong pinaghirapan ang pagsasanay. Ilang beses akong bumagsak, ilang beses na nasugatan, at hindi mabilang na pagkakataong kinailangan kong ulitin ang isang galaw hanggang maging

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 66

    "I'm Via. Kilala mo na naman kung sino ako, pero para sa pormal na pagpapakilala, ako ang hahawak sa intelligence at digital support ng team.""Meaning, ikaw ang magsasabi sa akin kung saan ako pwedeng pumunta na hindi mahuhuli ng kalaban?""Exactly. Ako ang maghahanda ng mga ulat, mag-aayos ng komunikasyon, at tutulong sa pagproseso ng mga impormasyong makukuha natin. Kapag may kailangan kang malaman tungkol sa target o sa mga taong nakapaligid sa kanya, sa akin ka lalapit.""At ikaw ang magiging mata ko," sabi ko."That's right."Tiningnan ko ang tablet niya. "Mukhang marami kang ginagawa.""Mas marami pa kapag nagsimula na ang misyon.""Good luck sa atin."Napangiti siya. "I think we'll need it."Sumunod na nagsalita si Veronica. "Kilala mo naman na rin ako. Ako ang itatalaga bilang sniper at backup support.""May karanasan ka na ba sa mga ganitong misyon?" tanong ko."Marami na.""Matagal ka na sa Artemis?""Hindi kami under sa Artemis, under kami kay mama. And also, bata pa lang

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 65

    Unang kinuha nila ang aking timbang at taas. Sinukat din ang presyon ng dugo, tibok ng puso, at temperatura ng katawan. Pagkatapos ay ikinabit sa aking mga daliri ang isang maliit na kagamitan para masukat ang antas ng oxygen sa dugo ko.Karaniwan lamang ang mga pagsusuring iyon, kaya hindi na ako nagreklamo.Sumunod ay kinuhanan ako ng dugo."Marami ba kayong kukunin?" tanong ko nang makita ko ang ilang maliliit na lalagyan sa tray."Kaunti lamang sa bawat lalagyan. Iba't ibang pagsusuri ang gagawin namin sa mga sample," paliwanag ng tauhan ni Athena."Siguraduhin mong hindi ako mauubusan.""Don't worry. Sapat lamang ang kukunin namin."Umupo ako nang maayos at iniabot ang braso. Nilagyan nila ng panali ang itaas nito bago linisin ang balat gamit ang bulak na may antiseptic. Pagkatapos ay maingat na ipinasok ang karayom sa ugat ko.Napatingin ako sa kabilang direksiyon.Hindi naman ako takot sa karayom, pero hindi ibig sabihin ay gusto kong panoorin ang bawat patak ng dugong kinukuha

  • Ang Kakaibang Hilig ng Mafia King   Chapter 64

    Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa tablet na hawak ko.Pagkatapos ng meeting kanina, agad akong bumalik sa silid ko para basahin ang mga files na ibinigay sa akin ni Viena. Akala ko ay sapat na ang mga paunang impormasyong ipinakita nila sa conference room, pero nang buksan ko ang mga karagdagang file, saka ko lamang nakita kung gaano karami ang impormasyong hindi nila ibinahagi sa akin.May mga ulat tungkol sa mga kamakailang desisyon ng Prime Minister ng Russia, mga kasunduang biglang ipinahinto, mga transaksiyong hindi natuloy, at ilang operasyon ng Olympus na naapektuhan ng mga pagbabago sa patakaran ng pamahalaan.Binasa ko ang bawat pahina.May mga pangalan ng kompanya, organisasyon, at indibidwal na wala akong ideya kung ano ang mga ito. Mayroon ding mga dokumentong may nakalagay na confidential na marka at ilang bahagi na hindi ko mabuksan dahil wala akong sapat na access.Napakunot ang noo ko. "Seryoso?"Sinubukan kong buksan muli ang isang file, ngunit pareh

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status