Nagising ako sa hospital. Oo, hospital na naman. Pero, ngayon mas okay na ang pakiramdam ko kaysa kanina na sobrang bigat at hindi ako makahinga. Nakatanaw lang ako sa itaas, sa liwanag. Liwanag na sana ay kinuha na lang ako. Tahimik lang naman ang kwarto ako na naman mag-isa. Salamat na lang at nadala pa ako dito ni Yaya kaya siguro naagapan agad ako. "Sana ayos lang ang lagay ng asawa mo Xian. Naaawa ako sa kaibigan ko. Akala ko pa naman makakatulog na tayo ng maayos kanina eh." Rinig ko itong boses ni Diana. Oo, rinig na rinig ko dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya kahit nasa labas pa sila ng kwarto ko. Nang mapansin kong bubukas na ang pintuan. Agad akong pumikit at nagpanggap na tulong. "Xyriel.... " Naramdaman ko ang malamig na kamay na dumapo sa braso ko. Kamay ng babae, si Diana. "Xyriel, magpagaling ka agad. Hindi ko kaya na mawalan ako ng kaibigan. Pakiusap Xyriel gumising ka na diyan," mangiyak-ngiyak na boses nito. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sab
آخر تحديث : 2026-08-18 اقرأ المزيد