Akmang hahakbang na sana ako upang lagpasan sila. Ngunit, agad na humarang sa akin si Diana. Nakataas ang kilay pero nakangiti. Ngiting kademonyohan niya. Humakbang siya papalapit sa akin. Kunting espasyo na lang ang namamagitan sa aming dalawa. “Xyriel, ako na ang magsasabi sa ‘yo nito sa ‘yo. Alam mo bang ikaw ang babaeng napaka walang kwentang ina at asawa? Sana naman alam mo ‘yan. Dahil, nakakatuwa na malapit ko na silang maagaw sa ‘yo. Paano ba naman kasi, sobrang boring mo, tsk!” Mariin niya itong binulong sa akin. Muli siyang humakbang papalapit kay Xian. Pilit akong ngumiti. “Gano'n ba? Ede, congrats? Kaso lang, hanggang kailan kaya ‘yan? At kailan mangyayari ‘yan? Kasi, kung pwede lang Diana. Magising ka na sa panaginip mong ikaw lang din naman ang gumagawa ng walang kwentang imahinasyon.” Malamig ang boses ko pero puno ito ng pagiging palaban ko. Ikinagulat ito ni Xian. Siguro, hindi niya inaasahan na magsasalita ako ngayon ng ganito. Samantalang, inis na mukha naman a
Last Updated : 2026-08-22 Read more