Isang gabi bago ang civil wedding nina Joanne at Vince, nagplano ang mga lalaki na mag-bachelor party para kay Vince."Guys, sa Migs' Brew na lang, ha? Wag na tayo sa labas, baka makita ni Joanne," sabi ni Miguel na tumatawag kina Elias, Vince, at sa mga barista ng Migs Brew at mga kaanak ."Okay, Kuya Miguel! Sa Migs' Brew na lang! Ako na bahala sa mga pulutan!" sabi ni Mariz na nakikinig sa usapan.Alas otso ng gabi, nagsimula ang bachelor party sa Migs' Brew na may mga fairy lights at musika na mahina lang para hindi marinig sa labas.Si Vince, nakaupo sa gitna, may beer sa kamay, habang napapalibutan ng mga kasama. "Kuya, bakit ka nandito?," sabi ni Vince na medyo nakainom na."Haha, dapat lang na nandito ako. Kuya ako ni Joanne, at dapat nandito ako para bantayan ka bago ka tuluyang maging asawa ng kapatid ko ," sagot ni Elias na may ngiti.Si Miguel, tahimik lang na nagtitimpla ng kape sa counter habang nakikinig sa mga kasama. "Miguel, bakit tahimik ka ? Hindi ka ba magjo-
Last Updated : 2026-09-19 Read more