Alas-diez na ng gabi ngunit gising pa rin si Vince at Mariz. May dalawang bote ng beer na halos hindi nabawasan, at si Vince na nakayuko, nakahawak sa ulo, at pulang-pula ang mga mata kakaiyak. Daig pa niya ang namatayan dahil sa itsura. Magulo ang buhok, gusot ang polo at halatang miserable ang buhay dahil sa pangyayari. Mahal na mahal talaga niya si Joanne. "Vince, tama na. Hindi ka umiinom dati ah. Ano ba talagang nangyari? Kanina mo pa sinasabing buntis si Joanne at baka kay Kuya Miguel," tanong ni Mariz, nag-aalala at nakaupo sa tapat ni Vince.Tumingala si Vince kay Mariz, halatang pagod na pagod. "Mariz, sinundan ko si Joanne sa cafe. Nakita ko siyang kasama si Miguel. Hawak ni Miguel ang kamay niya. At narinig ko... narinig ko na baka kay Miguel ang bata, Mariz. Anim na buwan na ang nakalipas, may nangyari pa pala sa kanila bago sila tuluyang naghiwalay. At ngayon, hindi alam ni Joanne kung sa akin ba o kay Miguel ang dinadala niya," kwento ni Vince. Natahimik si Mariz at
Last Updated : 2026-09-29 Read more