Napakagat ako sa labi. Alam kong iyon ang sasabihin sa akin ni Ria dahil iyon din ang kinatatakutan ko. Alam kong sampal sa pagkalalaki niya ang ginawa ko. Bukod sa tinanggihan ko siya ay sinaktan ko pa siya. Sa klase ng lalaking katulad niya, hindi niya basta-basta hahayaan na matatapos iyon sa pag alis ko. Alam kong hahanapin niya ako para makaganti. Tama si Ria… ‘pag na-process na ang employment papers ko, madali na niyang matutunton kung nasaan ako. At kapag nangyari ‘yon, katapusan ko na. Wala naman ibang tutulong sa akin kundi sarili ko lang. “‘Wag ka mag-alala, Ria, mag-iingat ako. Kapag nakapag-ipon pa ‘ko ng sapat na pera, aalis ako dito at magpapakalayo-layo pa.” Napatingin ako kay Ethan na unti-unti nang nagigising. “Tatawag na lang ulit ako, Ria, kailangan ko na kasing ibaba dahil papaliguan ko pa si Ethan.”“Go lang, beb. Basta kapag may need ka, tawag
Last Updated : 2026-08-04 Read more