“What is it?” Seryoso kong tanong sa kanya. “Si Mia, bro.” Tinapunan ko siya ng tingin. “Anong meron kay Mia?” Tanong ko. “Ilipat mo na lang siya sa cafeteria. Hindi ko kayang makita na tinititigan siya ng mga lalaking kasama niya,” Umiiling na sabi ni Chase. "Alam mong seloso ako lalo na kung akin,” Dagdag pa niya. “Oh, sa’yo na siya ngayon?” Nakangisi kong tanong sa kanya, nang-aasar. “Baka sunod n’yan, mahal mo na si Mia.” Napalunok si Chase. “Alam mo naman na wala pa ‘yan sa isip ko,” Napasapo ako sa aking ulo at bahagyang napa-iling dahil sa mga sinasabi nitong si Chase. “Pero si Tisay… gustong-gusto ko talaga siya. I’m not lying, bro.” Huminga siya nang malalim.“Sabi ko nga sa kanya, ‘wag na siyang magtrabaho. Sabi ko, ako na lang ang bahala sa kanya. Pero ang sabi niya sa’kin, hindi raw siya pinanganak para suportahan ng isang lalaki. The hell that woman,” Napailing siya. “Tapos ngayon a
最終更新日 : 2026-08-13 続きを読む