Sa city hall… Nakatayo sina Drew at Iya sa gitna ng silid, habang sa gilid nila ay sina Blake at Drake na hawak-hawak ang maliit na velvet box kung saan nakalagay ang kanilang silver wedding rings."Tayo ay nagtitipon dito upang pag-isahin sa ilalim ng batas ang dalawang taong nagpasiyang maging isa..." simula ng mayor.Naramdaman ni Iya ang pawis sa mga palad niya, ngunit hindi inalis ni Drew ang tingin sa kaniya. Nakahawak pa rin ang lalaki sa kamay niya, para bang pinapaalala sa kaniya na wala nang atrasan pa. "Drew, tinatanggap mo ba si Iya bilang iyong legal na asawa? Nangangako ka bang mamahalin, iingatan, at papanindigan siya sa harap ng batas, sa kalusugan at karamdaman, sa kahirapan at kaginhawaan, hanggang sa dulo ng inyong buhay?"Tumingin si Drew kay Iya. "Tinatanggap ko siya. Buong puso, buong buhay, at magpakailanman," sagot ni Drew.Bumaling ang mayor kay Iya. "At ikaw, Iya, tinatanggap mo ba si Drew bilang iyong legal na asawa? Nangangako ka bang mamahalin, iingatan
Last Updated : 2026-10-30 Read more