Pagkatapos kumain at mahiga ang kambal sa kanilang kwarto, pumasok si Drew sa kaniyang study room. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa ibabaw ng mesa, pinindot ang contact number ni Ahma, at inilagay ang cellphone sa kaniyang tainga.Ilang ring lang ay sumagot na ang matanda sa kabilang linya."Drew, apo?" Malambing na boses ni Ahma ang narinig niya. "Kamusta kayo riyan sa rest house? Kamusta ang dalawang bata? Balita ko, nanggaling daw sa lagnat sina Blake at Drake?""Maayos na po kami, Ahma," sagot ni Drew habang dahan-dahang nauupo sa kaniyang swivel chair. "Magaling na ang kambal. Kumain na rin sila at nakahiga na ngayon.""Salamat naman kung’," tugon ng matanda. "Ikaw? Hindi ka ba napagod sa pag-aalaga sa kanila? Siguraduhin mong nagpapahinga ka rin, Drew."Huminga nang malalim si Drew. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa sandalan ng upuan at tinitigan ang kisame. May matagal na siyang gustong itanong, at pakiramdam niya, ngayong gabi lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na
Last Updated : 2026-09-29 Read more