"Sige na, maupo na tayo at baka lumamig pa ang pagkain natin," aya ni Drew habang iniaalalay ang dalaga pabalik sa upuan niya. "Kailangan nating magpakalakas dahil sigurado akong pag-uwi natin sa villa, sasalubungin tayo ng napakaraming tanong nina Blake at Drake kapag nakita nila ang kwintas mo at ang singsing na nasa daliri mo."Nang makaupo na silang dalawa at magsisimula na sanang kumain, may biglang lumapit na waiter na naka-uniporme, may dalang maliit na tray na may dalawang baso ng mamahaling champagne at isang plato ng katamtamang laking chocolate cake na may nakatirik na maliit na kandila."Good afternoon po, Ma'am, Sir!" napakalapad ng ngiti ng waiter habang inilalapag ang cake sa gitna ng kanilang mesa. "Naku, napansin po kasi ng crew namin mula sa counter kung gaano po kayo kasweet habang isuot niyo 'yong kwintas kay Ma'am. Sakto pong Anniversary ngayon ng owner ng restaurant natin at ng misis niya, kaya may pa-free Sweethearts Anniversary Special kami para sa mga sweet co
Last Updated : 2026-10-28 Read more