Sa labas ng Emergency Room, nananatiling nakaupo si Iya sa sahig. Nakasandal ang ulo niya sa pader, at ang mga mata ay nakatitig lang sa sarili niyang mga kamay na natuyuan na ng dugo ng mga bata. Bawat pagbukas at pagsara ng pinto ng Trauma Room ay nagpapatalon ang dibdib niya, pero walang lumalabas na doktor para magbigay ng balita. Mas lalao tuloy siyang kinabahan, pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa sobrang takot niya.Napaangat ng ulo si Iya nang may nakita siya sapatos sa harapan niya, nakita niya si Drew na tna nakatayo sa harapan niya. Namumutla ang mukha ng lalaki, gulo-gulo ang buhok, at puno ng matinding takot ang mga mata niya."Iya..." paos at halos walang boses na tawag ni Drew habang dahan-dahan siyang lumuluhod sa harap ni Iya. "Nasaan sila? Nasaan ang mga anak ko?"Nang makita ni Iya si Drew, muling bumuhos ang mga luha niya. Nanginginig siyang umiling habang itinuturo ang nakasaradong pinto."Nasa loob pa sila, Drew... Hindi pa lumalabas ang mga doktor...
Last Updated : 2026-10-20 Read more