Hilaw ko siyang nginisian. “Of course,” sabi ko. “You’re her boyfriend, right? Or should I say, ex?”Kasi 'di naman ata niya ako o-offeran ng kasal kung sila pa rin, 'di ba?Ang dami-dami kong gustong itanong sa kaniya. Nandoon na 'yung dahilan niya sa pag-ako sa pinagbubuntis ko. Kung anong nangyari sa kanila ni Sab sa US. Reaksyon ng sugar daddy nito. Basta, ang dam! At sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinabi niyang 'to ngayon.Kaso pakiramdam ko, may tamang oras para d'yan. Hindi ko lang alam kung kailan pero hindi pa ito ang tamang oras para itanong ang mga 'yan sa kanya.“Hmm... yeah,” sagot niya sa tanong ko.Tila wala pang kasiguraduhan ang paraan ng pagkakasabi niya, dahilan kung bakit mas hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.Natapos ang usapan namin sa pinapanood naming romance movie. Wala akong napiga sa kanya dahil hanggang doon lang din naman ang sinabi niya. Hindi na rin nabuksan ulit ang usapang kasal sa mga sumunod pang araw. Mabuti naman dahil nakaka
Last Updated : 2026-08-31 Read more