Sa mga sumunod na araw, naging busy ako sa pag-aayos ng aking mga papeles. Luna helped me a lot, making the process a little easier. Unlike me, she already knew exactly what to do.Pinanindigan ko talaga ang kagustuhan kong kumuha ng Fashion course. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin."Sa weekend kung kakayanin. Sabi ko naman sa’yo, mag-aaral ako, e," sabi ko kay Chad."Seryoso ka talaga d'yan, ha? Ah basta sa weekend, susunduin kita sa dorm mo. Malaking project ‘to kaya please, ‘wag mong palagpasin."Napabuntong hininga na lang. Kausap ko siya ngayon sa tawag. Ang kulit lang talaga niya kahit kailan. Parang last week ko lang sinabi na ako ang tatawag kung may bakante akong oraz, tapos heto siya ngayon. Pinipilit akong tanggapin ang isang project."Okay, okay. Hindi pa naman magsisimula ang klase. Siguraduhin mo lang na ‘yan na ang huli. Magiging ulirang estudyante na ang arte ko ngayon. Please lang."Halos magmakaawa na ang boses ko. Tinawanan lang niya ako at nakailang ulit pa
Last Updated : 2026-09-13 Read more