Gets ko naman na gustong gusto niya talaga magpakaama sa anak ko. Dumating pa nga sa puntong siya ang nag alaga at umako ng responsibilidad sa akin noon, kahit hindi naman talaga dapat, pero kailangan ba niya gawin ang mga ‘yun?Kahit si Mama na hindi naman talaga niya nanay, e, sinama na rin niya sa US noong siya ay ipinagamot doon pagkatapos ng insidente kasama si Marco. Ganoon ba talaga siyang tao? Na feeling niya lahat ng taong malapit sa kaniya ay responsibilidad niya?"Nag-text ang bruha. Bukas na raw nila isasauli si Raz. Nabalitaan niyang may shoot ako bukas kaya baka raw hindi natin maalagaan," sabi ko kay Renzo makalipas ang ilang sandali.Nasa sala na kaming dalawa, tapos na kaming kumain at hinihintay na lang sana ang pagdating ng tatlo."Oo nga. Ito, kati-text nga lang din ni Kuya Rev," sagot niya sa akin, nakadungaw na rin sa kaniyang cellphone.I heaved a sigh before I stood up. "Alas dyes na. Tulog na tayo?"Tumayo na rin siya pero nangunot ang noo ko nang magkamot siy
Última atualização : 2026-09-13 Ler mais