The following days was dry as ever. Bukod sa parang medyo umaawat na sa akin si Renzo, e, wala ng ibang nangyari.Yes, nothing changed even after that day. Kapansin-pansin pa rin ang pananahimik niya sa loob ng dorm. Mas lumala pa nga. Sa umaga, ipaghahanda lang niya ako ng almusal, pati si baby, pagkatapos no'n ay wala na. Tahimik niya kaming sinasabayan ni baby.Noong una ay pinagkibit-balikat ko na lang ito pero nang dumating na nga ‘yung araw kung saan naghahanda ako sa pagpasok, doon na ako nag-react ng husto.Ngayon ay lunes at ngayon din ang orientation namin sa school. Hindi ba't nasabi niya sa akin last week na sasama siya, pero ngayon na nakikita ko siyang naglilinis pa rin sa buong dorm kahit malinis naman na, halatang hindi nga siya pupunta.Seriously, what is wrong with him?Nakabihis na ako't lahat pero siya ay nakapambahay pa rin, at busy punasan ang tv sa sala.Baby Raz wasn't here. Kahapon ay sinundo siya ng dalawa, Rev and Atasha. Sa kanila na raw muna habang busy ak
Última atualização : 2026-09-15 Ler mais