"Kung magkakatuluyan kayo, mas lalong lalawak ang koneksyon natin, anak. She's beautiful. Tagapagmana siya ng pamilyang Hanazuno. Bagay na bagay kayo, anak," minsang nang panghihikayat sa akin ng tunay kong Mama sa pagitan ng hapunan namin.Tipid ko siyang nginitian bago ilingan."May napupusuan na po ako, Mama. Mas maganda ho siya sa lahat. Di bale, ipapakilala ko rin ho siya sa inyo. Medyo busy lang siya," magalang kong pagtanggi sa alok niya.Nakita ko ang pag-iba ng mukha niya pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Pagkatapos namin sa hapag ay ako na ang kusang nagligpit sa pinagkainan namin.Nasa kusina ako no'n, tinutulugan ang ibang kasambahay sa pagliligpit ng mga gamit para sa paparating na birthday celebration ng nakababata kong kapatid na babae, Yanny, nang sumulpot sa likuran ko si Mama.Hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Papa. Pareho nila akong nginitian at pinagmasdan ang ginagawa kong pag-aayos sa gagamiting ibang dekorasyon sa party."Ang sipag sipag mo, anak.
Last Updated : 2026-09-17 Read more