Akala ko'y magiiba na ang mood nilang lahat pagkatapos ng sinabi ni Ralph. Awkward pa akong lumingon sa kanilang tatlo, ta's ang bumungad sa akin ay ang naiiling na lang nilang mga reaksyon."Ang kapal naman ng isang 'yon. Akala mo talaga, e, kung sinong loyal! Eh lahat naman ata ng babae gusto niya, e," si Yanny na naiiling na patawa tawa.Ganoon din ang reaksyon ng kanilang mga magulang."Pagpasensyahan mo na ang isang iyon. Noong nagpaulan kasi ng loyalty ang Diyos, kami lang ng kuya niya ang nakasalo," seryosong seryoso na baling sa akin ng Papa nila.Doon na ako natawa. Parang kinilig naman doon ang asawa niya dahil kahit natatawa na rin ay niyakap pa rin niya ang lalaki. As for Yanny, nailing na lang sa sariling banat ng tatay niya.Hindi ko talaga ini-expect na ganitong pamilya ang bubungad sa akin dito. Kasi naman, di ba? Napaisip ako sa sinabi sa akin kanina ni Renzo na kahit anong masaksihan o makita ko rito ay itake ko na lang iyon in a positive way.Para saan ba ‘yun kung
Última atualização : 2026-09-16 Ler mais