Baby Mikaela's Point of ViewHi miss,Alam kong corny ito at hindi nababagay sa poging tulad ko, pero sige, itutuloy ko na ito. Siguro naman sa oras na binabasa mo 'to wala na ako. Huwag ka ng umangal dahil 'yon naman ang totoo. Pasensya na pala sa liham kong ito. Hindi ko kasi alam ang tamang format ng pagsusulat. Sisihin mo yung filipino teacher ko no'ng grade school ako. Hindi man lang ako pinilit na makinig sa kaniya habang tinuturo niya ang paggawa. Nga pala, seseryoso na ako. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na Magandang umaga. Ikaw na mag-adjust kung gabi mo na ito mabasa. Umaga kasi no'ng sinusulat ko 'to. Gusto ko rin sabihin na sana sa mga oras na 'to, nasa mabuting kalagayan ka at nasa ligtas na lugar ka. Wala pa naman ako sa tabi mo. 'Di bale, nand'yan naman palagi ang jowa mo para iligtas ka, eh. Last na 'to. Kahit lagi kitang sinasabihan ng pangit, 'wag mo sanang pinapaniwalaan, ha? Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko at ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa
Last Updated : 2026-09-24 Read more