"Leon, t-tulungan mo naman ako, oh. Nag-away kasi kami ni Jeric, eh, kaya... k-kaya pinaalis niya ako sa condo." "Leon, sino yan?" Bumungad si Kiera. Hindi sana s'ya lalabas, ngunit dala ng kuryosidad ay naisip niyang silipin kung sino ang bisita pagkabihis niya. "F-faye?" Sa sandaling masilayan si Kiera ay nawala ang pagmamakaawa sa mukha ni Faye, napalitan ito ng magkahalong pagkagulat at pagkamuhi. 'Anong ginagawa ng babaeng ito dito sa condo ni Leon? Eh, ang pagkakaalam ko ay hindi siya nagpapatuloy ng mga kaladkaring babae dito?' "Ikaw pala." May pag-uuyam na nag-cross arms si Kiera. "Puwede bang malaman kung ano ang isinadya mo ng ganitong oras?" Naikuyom ni Faye ang kanyang kamao, nalalaman niyang hindi ito ang oras para ilabas ang pangil n'ya. "S-si Leon ang ipinunta ko dito, hindi ikaw." Mahina niyang sagot. Tila ba natatakot siyang magalit si Kiera sa kanya. "Oh..." Sinulyapan ni Kiera ang lalaki. "Kung ganun, maiwan ko na muna kayo dalawa." "Wait," pigil ni Leon. "Th
Last Updated : 2026-08-15 Read more