Almira's POV... Hindi ko na hinintay pa ang pagbaba niya kanina. Parang gusto ko munang huminto, kahit isang araw lang, sa pangungulit sa kanya.Pero dahil likas talaga akong pakialamera...Napatayo ako sa kama, habang iniisip kung ano kaya ang ginagawa ni Master ngayon. Ilang sandali akong nag-isip, pero sa huli, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.Kinuha ko ang cellphone ko para gawing ilaw sa madilim na daan. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at maingat na naglakad pababa ng hagdan, sinusundan ng katahimikan ng buong bahay.Madilim ang buong mansyon, ngunit sapat ang liwanag ng buwan na pumapasok mula sa malalaking bintana para maaninag ko ang paligid. May kuryente naman, pero hindi talaga binubuksan ni Master Ace ang ilaw sa sala.Ewan ko ba sa kanya—nakaka-amaze lang kasi, parang wala siyang kinatatakutan. Kahit ganitong kadilim, kalmado lang siya.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Pagdating ko sa ibaba, agad ko siyang nakita.Nandoon s
Last Updated : 2026-08-13 Read more