Pagsapit ng gabi ng Biyernes, nakatayo si Celeste sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang kwarto.Suot niya ang isang floor-length navy blue silk gown na may manipis na straps at plunging neckline—bagay na pilit na pinabili sa kanya ni Tito Rodel. Bagsak ang tuwid niyang buhok sa likod, at minimalist lang ang kanyang alahas. She looked stunning, expensive, and untouchable. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa siyang prutas na ihahain sa hapag-kainan ng mga buwaya.“Celeste! Bilisan mo riyan! Nakahanda na ang sasakyan sa ibaba!” bulyaw ng kanyang Tito Rodel mula sa hallway.Ipinikit ni Celeste ang kanyang mga mata nang ilang segundo, huminga nang malalim, at kinuha ang kanyang silver clutch bag.“Pababa na, Tito,” malamig niyang sagot.Ang Kapitolyo ay nagliliwanag sa gitna ng gabi. Ang Grand Ballroom sa ikatlong palapag ay puno ng mga kilalang pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga prominenteng pamilya mula sa buong lalawigan. Ang ingay ng mga tawanan, tunog ng
最後更新 : 2026-08-07 閱讀更多