LOGIN
“Celeste! Nasaan na ‘yung draft ng press release para sa housing project sa South District? Kanina pa naghihintay si Senator!”
Napapikit nang madiin si Celeste De La Vega bago dahan-dahang ibinaba ang hawak niyang ballpen. Huminga siya nang malalim, inayos ang pagkakatupi ng kanyang dress shirt, at humarap sa bumukas na p***o ng kanyang maliit na opisina sa loob ng De La Vega Headquarters.
Si Marissa—ang head secretary ng kanyang Tito Rodel—ay nakatayo sa may pintuan habang nakapamaywang at salubong ang mga kilay.
“Matatapos na, Marissa. Inaayos ko lang ‘yung computation sa budget allocation,” mahinahong sagot ni Celeste. “Gusto kasi ni Tito Rodel na mukhang transparent ang report kahit alam naman nating pareho na lahat doon ay overstated.”
“Diyos mio, Celeste! Huwag mo nga akong idadamay sa mga pinagsasasabi mo,” pabulong pero mabilis na saway ni Marissa habang nakatingin sa hallway. “Ayusin mo na ‘yan at dalhin mo sa main office. Mainit ang ulo ng Senator ngayon. Bwisit na bwisit sa mga balita tungkol sa kapitolyo.”
“Kailan ba lumamig ang ulo ng isang iyon?” bulong ni Celeste sa sarili nang makalabas na si Marissa.
Iyon ang buhay ni Celeste De La Vega.
Sa papel at sa mata ng media, she was an Associate Public Relations Strategist for De La Vega Enterprises. May degree siya sa Communications mula sa isang kilalang unibersidad sa Australia, at siya ang humahawak ng lahat ng official statements, charity campaigns, at public image ng kanyang uncle na si Senator Rodolfo De La Vega.
Pero sa totoong buhay? She was nothing more than an glorified, highly-educated assistant. Isang tauhan sa sarili niyang pamilya.
Mabilis niyang in-adjust ang margin ng document, nag-print ng tatlong kopya, at inilagay iyon sa isang kulay itim na leather folder. Pagkatayo niya, tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa.
Calling: Chloe.
Agad niyang sinagot ang tawag at inilagay ang phone sa pagitan ng kanyang tainga at balikat habang inaayos ang mga papel.
“Oh, Chloe? Napatawag ka?”
“Babe! Buhay ka pa ba diyan sa impyerno?” bungad agad ng boses ng kaibigan niyang si Chloe Mendoza mula sa kabilang linya.
Si Chloe ang nag-iisang matalik na kaibigan ni Celeste simula pa noong college. Fashion stylist ito, outspoken, at ang tanging taong nakakaalam ng lahat ng baho at hirap na pinagdadaanan ni Celeste sa kamay ng uncle nito.
“Buhay pa naman,” napabuntong-hininga si Celeste habang naglalakad patungo sa glass door ng opisina niya. “Nag-aayos lang ng panibagong kasinungalingan para sa public image ng pamilya ko.”
“Gosh, Celeste. Sobrang stress mo na naman tunog pa lang ng boses mo. Kelan ka ba aalis diyan sa kumpanya ng Tito mo? You have a master’s degree for fuck’s sake! Pwedeng-pwede kang magtrabaho sa malalaking PR agency sa Makati o sa abroad!”
“Alam mo namang hindi ganun kasimple ‘yun, Chloe,” sagot ni Celeste, bahagyang ibinaba ang boses habang naglalakad sa hallway kung saan maraming empleyado ang naglalakad. “Hawak ni Tito Rodel ang lahat. The condo I’m staying in, my car, my bank accounts—lahat ‘yun nakapangalan sa holding company ng mga De La Vega. At noong mamatay sina Mama at Papa, si Tito ang tumayong legal guardian ko. If I leave now without his blessing, wawalasin niya ang buhay ko. Inangkin na nga niya ang naiwang pamana ng mga magulang ko, ‘di ba?”
Narinig ni Celeste ang mura ni Chloe sa kabilang linya. “Mamatay na sana ‘yang Tito Rodel mo sa sobrang greed. Ginagawa ka niyang utusan habang kinakain niya ang pera ng parents mo. Tapos gagamitin pa ang pangalan mo bilang ‘clean De La Vega’ para sa pulitika?”
“Wala akong magagawa sa ngayon. I just need to gather enough funds on my own, hidden accounts, bago ako tuluyang makipag-agawan sa kanya,” mahinahong sabi ni Celeste habang papalapit sa suite ng Senator. “I’ll call you later, Chloe. Ibibigay ko lang ‘tong report kay Tito Rodel.”
“Sige, mag-ingat ka. At pakisabi diyan sa Tito mo, kapag nakita ko siya sa mga gala events, tatapakan ko talaga ang sapatos niya.”
Natawa nang mahina si Celeste. “Sige na. Bye.”
Binaba niya ang tawag at kumatok sa double doors ng main office.
“Enter!” sigaw ng isang galit na boses mula sa loob.
Pumasok si Celeste. Ang opisina ni Senator Rodolfo De La Vega ay parang isang museo ng kapangyarihan—mga litrato kasama ang iba’t ibang pangulo, plaques of appreciation, at mamahaling mga painting.
Nakatayo si Rodel sa tapat ng malaking bintana habang may kausap sa telepono. May katabaan ito, laging nakasuot ng mamahaling barong, at may bakas ng matinding stress sa kanyang mukha.
“Hindi ko pwedeng ibigay ang permit na ‘yan nang walang go-signal mula sa Kapitolyo!” galit na sabi ni Rodel sa kausap niya sa phone. “Alam niyo namang mahigpit ang bagong Gobernador! Sige, tatawagan kita ulit.”
In-off ni Rodel ang cellphone at galit na ibinagsak iyon sa ibabaw ng kanyang mesa. Humarap siya kay Celeste at naningkit ang mga mata.
“Nasaan ang press release?” malamig na tanong ni Rodel.
Inilapag ni Celeste ang folder sa mesa. “Here, Tito. Na-edit ko na rin ang budget narrative para maging malinis tingnan sa reporters.”
Kinuha ni Rodel ang folder, mabilis na binuklat iyon, at binasa ang mga linya. Makalipas ang ilang segundo, ibinagsak niya rin ito pabalik sa mesa.
“Kulang ‘to,” reklamo ni Rodel. “Bakit hindi mo isinama rito ang tie-up natin sa Provincial Government?”
“Dahil wala pa namang official confirmation mula sa opisina ng Gobernador, Tito,” tugon ni Celeste habang nakatayo nang tuwid. “If I put his name in our official release without authorization, magmumukhang ginagamit natin siya. And you know how strict Governor Adriano is when it comes to unauthorized media statements.”
Nang marinig ni Rodel ang pangalang Adriano, lalong sumama ang timpla ng mukha nito. Tumayo ang senador at lumapit sa mini-bar sa gilid ng kwarto para magbuhos ng scotch sa baso.
“Si Jace Matteo Adriano…” bulong ni Rodel na parang nilalason ang sariling dila habang binabanggit ang pangalan. “Akala mo kung sinong santo kung umasta. Hindi man lang nirespeto ang edad ko at ang tagal ko sa serbisyo. Pinahiya niya ang committee ko kahapon sa board meeting!”
Tahimik lang si Celeste. Hindi na bago sa kanya ang galit ng uncle niya sa Gobernador.
Si Governor Jace Matteo Adriano ay ang pinakabatang nanalo sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan. Kilala ito bilang isang ruthless, hyper-efficient, at untouchable na lider. Walang nakakalusot na anomalya sa Kapitolyo simula nang umupo ito. At dahil doon, naiipit ang mga lumang pulitiko tulad ng uncle niya na nakasanayan nang magbulsa ng pondo ng bayan.
“Sadyang mahigpit lang talaga si Governor Adriano sa liquidation documents, Tito,” giit ni Celeste. “Kailangan talagang ayusin ng accounting team mo ang mga resibo.”
Humarap si Rodel sa kanya, matalim ang tingin habang umiinom ng alak. “Pinagtatanggol mo ba ang lalaking ‘yon?”
“I’m just being practical, Tito. We can’t afford a scandal right now,” pormal na sagot ni Celeste.
Ibinaba ni Rodel ang baso at tinitigan si Celeste mula ulo hanggang paa. Ang tingin na ‘yon ay kabisado na ni Celeste—isang tingin na parang tinatantya kung magkano ang halaga ng isang gamit.
“May gala dinner ngayong Biyernes sa Kapitolyo,” biglang sabi ni Rodel.
Kumunot ang noo ni Celeste. “And?”
“Pupunta tayo. Kasama ka,” utos ng uncle niya.
“Tito, alam mong ayaw ko sa mga ganong party. Maraming press at hindi ko trabaho ang mag-attend ng mga social gatherings niyo,” mabilis na tanggi ni Celeste.
“Hindi kita tinatanong kung gusto mo,” malamig na putol ni Rodel. Lumapit ito sa kanya at idiniin ang hintuturo sa hangin malapit sa mukha ni Celeste. “Pupunta ka doon dahil kailangan kong makipag-usap nang maayos kay Governor Adriano. At mas madaling kausap ang lalaking ‘yon kapag magaganda ang mga kasama sa mesa.”
Naramdaman ni Celeste ang biglang pag-init ng kanyang mga pisngi sa matinding inis. “Are you out of your mind? Ginagawa mo ba akong palamuti roon para lang pumayag siyang makipag-negotiate sa’yo?”
“I’m asking you to do your job as a De La Vega!” sigaw ni Rodel. “Sino ba ang nagpapakain sa’yo simula nang mamatay ang mga magulang mo? Sino ang nagbayad ng tuition mo sa Australia? Ako! Utang mo sa akin ang buhay na mayroon ka ngayon!”
“Pinagtrabahuhan ko ang bawat piso na ibinibigay mo sa akin, Tito! Hindi ako palamuti at lalong hindi ako bargaining chip para sa pulitika mo!” ganti ni Celeste, nanginginig ang boses sa galit.
Mabilis na lumapit si Rodel at hinawakan nang mahigpit ang balikat ni Celeste. Ang hawak nito ay marahas at puno ng pagbabanta.
“Umayos ka ng pananalita sa akin, Celeste,” pabulong pero nanginginig sa galit na sabi ni Rodel. “Isang tawag ko lang sa bangko, sarado ang lahat ng pera mo. Kukunin ko ang kotse mo at ang condo mo. Titingnan natin kung makayanan mong mamuhay sa labas nang wala ang pangalang De La Vega.”
Pumikit nang madiin si Celeste, sinusubukang pigilan ang luha na gustong pumatak sa mga mata niya. Iyon ang laging ginagawa sa kanya. Laging ibinabanta ang kawalan ng pera, ang pagkuha sa mga natitirang ari-arian niya, para lang pasunurin siya.
Dahan-dahang idinilat ni Celeste ang kanyang mga mata at tinitigan ang uncle niya nang may malamig na galit.
“Bitiwan mo ako,” utos ni Celeste sa mababang boses.
Dahan-dahang binitiwan ni Rodel ang balikat niya at inayos ang sariling barong, tila walang nangyari.
“Magpalit ka ng magandang damit para sa Biyernes. I want you looking sharp and elegant,” sabi ni Rodel bago humarap muli sa kanyang mesa. “You are going to meet Governor Jace Matteo Adriano whether you like it or not. At sisiguraduhin mong magiging mabait ka sa kanya.”
Hindi na sumagot si Celeste. Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng opisina ng uncle niya.
Pagkalabas ni Celeste sa building ng De La Vega Headquarters, deretso siya sa kanyang sasakyan—isang itim na sedan. Pagpasok niya sa loob, agad niyang isinarado ang p***o at ibinagsak ang ulo sa steering wheel.
Nanginginig ang buong katawan niya sa galit at pagkadismaya.
Kinuha niya muli ang kanyang phone at idial ang number ni Chloe.
“Oh, Celeste? Bakit? Natapos na ba ang meeting?” sagot agad ni Chloe.
“Chloe… pumunta ka sa apartment ko mamaya. Please,” basag ang boses na sabi ni Celeste.
Naramdaman agad ni Chloe ang pagbabago sa boses ng kaibigan. “What happened? Sinaktan ka ba ng Tito mo? Anong ginawa ng matandang ‘yon?”
“Gusto niyang isama ako sa Kapitolyo ngayong Biyernes,” pagsisiwalat ni Celeste habang nakatitig sa kawalan. “Isasama niya ako sa gala dinner ng Governor.”
“Wait… what? Si Governor Adriano?” napatigil si Chloe. “Bakit ka isasama roon? Hindi ka naman kasama sa official delegation ng kumpanya, ‘di ba?”
“Gagawin niya akong pang-display, Chloe. Ipapaharap niya ako kay Jace Adriano para lang lumambot ang ulo ng Gobernador sa mga panukala niya.” Bitter na natawa si Celeste. “He’s literally using me as leverage.”
“Ang kapal talaga ng mukha ng Tito Rodel mo!” sigaw ni Chloe sa kabilang linya. “Napakadumi talaga ng laro ng pulitika sa lalawigang ‘yan! Pero Celeste, seryoso… mag-iingat ka kay Governor Adriano.”
Kumunot ang noo ni Celeste habang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “What do you mean?”
“Hindi mo ba nababalitaan ang mga tsismis tungkol sa Gobernador na ‘yan?” boses ni Chloe na naging seryoso. “Oo, gwapo siya. Mukhang gawa sa ginto ang mukha at panga. But he is dangerous, Celeste. Walang nakakatalo sa lalaking ‘yon sa pulitika. I heard he ruined three major business dynasties last year alone without even raising his voice. Demonyo siya, walang awa, at hindi tumatanggap ng pagkakamali. If your Tito thinks he can use a woman to manipulate Jace Adriano, nagkakamali siya. Lalong magagalit ‘yung tao.”
Sariwa pa sa isip ni Celeste ang mga balita tungkol kay Governor Jace Matteo Adriano.
Ang 30-year-old billionaire-turned-governor na walang ibang inisip kundi ang kapangyarihan at pagkontrol sa mga tao. Nakikita lang niya ito sa mga balita at sa mga dyaryo—laging maayos ang suot na suit, matalim ang titig sa camera, at walang kahit anong ngiti sa mga labi.
“I don’t care about Governor Adriano,” malamig na sabi ni Celeste. “At lalong wala akong paki sa pulitika nila ni Tito Rodel. Pupunta lang ako roon para matapos na ‘to. Kapag nakuha ko na ang mga papeles ng mana ko sa susunod na buwan, iiwan ko na ang kumpanyang ‘to.”
“Siguraduhin mo lang, Celeste. Dahil sa tingin ko, kapag pumasok ka sa Kapitolyo ngayong Biyernes, hindi lang ang Tito mo ang makakalaban mo.”
Bumuntong-hininga si Celeste at isinandal ang ulo sa upuan ng kotse. Tumingin siya sa malaking building ng De La Vega Headquarters mula sa salamin ng kanyang kotse.
Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang gintong kulungan. Hawak ng pamilya niya ang pera, ang pangalan, at ang buhay niya. At ngayon, pilit pa siyang itatapon sa kulungan ng isang leon para lang sa pansariling interes ng uncle niya.
“Biyernes…” bulong ni Celeste sa sarili. “Isang gabi lang ‘to. Matatapos din ‘to.”
Pero habang nakatitig sa kalye na patungo sa kapitolyo ng lungsod, may hindi maipaliwanag na kaba na kumurot sa dibdib ni Celeste.
Hindi pa man niya nakakaharap nang harapan si Governor Jace Matteo Adriano, ramdam na niya ang matinding peligro na naghihintay sa kanya sa oras na humakbang siya sa opisina ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buong lalawigan.
Pagkapasok na pagkapasok ni Celeste sa loob ng kanyang kotse matapos siyang ihatid ng driver ng pamilya mula sa Kapitolyo, doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang nakahawak sa kanyang silver clutch bag.“Tell me to stop… and I swear to God, I’ll ruin us both anyway.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak niya ang bawat salitang binitiwan ni Governor Jace Matteo Adriano sa balcony. Hawak pa rin niya ang sariling mga labi—ramdam pa rin niya ang init at matinding diin ng halik ng lalaki. It wasn’t just a threat. It was a promise of destruction.“Ma’am Celeste, deretso na po ba tayo sa condo niyo?” tanong ng driver mula sa front seat.“Y-Yes, Kuya,” basag ang boses na sagot ni Celeste. “Sa condo na lang.”Habang nagbibiyahe pabalik, nakatitig lang si Celeste sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kapitolyo na unti-unting lumalayo ay parang paalala na nakatali na siya sa isang gintong kadena. Hindi na lang si Tito Rodel ang kailangan niyang takasan
Pagsapit ng gabi ng Biyernes, nakatayo si Celeste sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang kwarto.Suot niya ang isang floor-length navy blue silk gown na may manipis na straps at plunging neckline—bagay na pilit na pinabili sa kanya ni Tito Rodel. Bagsak ang tuwid niyang buhok sa likod, at minimalist lang ang kanyang alahas. She looked stunning, expensive, and untouchable. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa siyang prutas na ihahain sa hapag-kainan ng mga buwaya.“Celeste! Bilisan mo riyan! Nakahanda na ang sasakyan sa ibaba!” bulyaw ng kanyang Tito Rodel mula sa hallway.Ipinikit ni Celeste ang kanyang mga mata nang ilang segundo, huminga nang malalim, at kinuha ang kanyang silver clutch bag.“Pababa na, Tito,” malamig niyang sagot.Ang Kapitolyo ay nagliliwanag sa gitna ng gabi. Ang Grand Ballroom sa ikatlong palapag ay puno ng mga kilalang pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga prominenteng pamilya mula sa buong lalawigan. Ang ingay ng mga tawanan, tunog ng
“Celeste! Nasaan na ‘yung draft ng press release para sa housing project sa South District? Kanina pa naghihintay si Senator!”Napapikit nang madiin si Celeste De La Vega bago dahan-dahang ibinaba ang hawak niyang ballpen. Huminga siya nang malalim, inayos ang pagkakatupi ng kanyang dress shirt, at humarap sa bumukas na pinto ng kanyang maliit na opisina sa loob ng De La Vega Headquarters.Si Marissa—ang head secretary ng kanyang Tito Rodel—ay nakatayo sa may pintuan habang nakapamaywang at salubong ang mga kilay.“Matatapos na, Marissa. Inaayos ko lang ‘yung computation sa budget allocation,” mahinahong sagot ni Celeste. “Gusto kasi ni Tito Rodel na mukhang transparent ang report kahit alam naman nating pareho na lahat doon ay overstated.”“Diyos mio, Celeste! Huwag mo nga akong idadamay sa mga pinagsasasabi mo,” pabulong pero mabilis na saway ni Marissa habang nakatingin sa hallway. “Ayusin mo na ‘yan at dalhin mo sa main office. Mainit ang ulo ng Senator ngayon. Bwisit na bwisit sa







