เข้าสู่ระบบPagsapit ng gabi ng Biyernes, nakatayo si Celeste sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang kwarto.
Suot niya ang isang floor-length navy blue silk gown na may manipis na straps at plunging neckline—bagay na pilit na pinabili sa kanya ni Tito Rodel. Bagsak ang tuwid niyang buhok sa likod, at minimalist lang ang kanyang alahas. She looked stunning, expensive, and untouchable. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa siyang prutas na ihahain sa hapag-kainan ng mga buwaya.
“Celeste! Bilisan mo riyan! Nakahanda na ang sasakyan sa ibaba!” bulyaw ng kanyang Tito Rodel mula sa hallway.
Ipinikit ni Celeste ang kanyang mga mata nang ilang segundo, huminga nang malalim, at kinuha ang kanyang silver clutch bag.
“Pababa na, Tito,” malamig niyang sagot.
Ang Kapitolyo ay nagliliwanag sa gitna ng gabi. Ang Grand Ballroom sa ikatlong palapag ay puno ng mga kilalang pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga prominenteng pamilya mula sa buong lalawigan. Ang ingay ng mga tawanan, tunog ng mga baso ng alak, at banayad na tugtog ng orchestra ay naghahalo sa hangin.
Hawak ni Senator Rodolfo De La Vega ang braso ni Celeste habang naglalakad sila papasok. Bawat taong madaanan nila ay binabati ng kanyang uncle nang may malawak at plastik na ngiti.
“Smile, Celeste,” pabulong na banta ni Rodel habang nakangiti sa isang businessman. “Huwag kang umakto na para bang pupunta sa libing. Pinagmamasdan tayo ng mga tao.”
“Ginagawa ko ang gusto mo, Tito. Huwag mo na akong diktahan kung paano ako ngingiti,” sagot ni Celeste nang hindi man lang tinitignan ang uncle niya.
“Tandaan mo, ngayong gabi kailangang makuha ang kompromiso ni Governor Adriano para sa South District project. Kapag pumayag siya, maaayos ang pondo natin. So make yourself useful.”
Bago pa makasagot si Celeste, biglang tumahimik ang buong ballroom.
Bumukas ang malaking double doors sa VIP entrance. Ang lahat ng mata ng mga bisita ay napalingon doon.
Pumasok si Governor Jace Matteo Adriano.
Naka-tailored black tuxedo ito na nakadagdag sa kanyang matipuno at mataas na tindig. Malinis ang gupit ng kanyang buhok, at ang kanyang guwapong mukha ay walang kahit anong emosyon. Malamig at nakamamatay ang kanyang aura. Katabi niya ang kanyang chief of staff at dalawang nakasuit na security escorts.
Mabilis na naglakad si Rodel patungo sa kinaroroonan ng Gobernador, habang hawak pa rin sa braso si Celeste.
“Governor Adriano!” malakas at masayang bati ni Rodel habang inilalahad ang kanyang kamay. “Good evening! Mapalad kami at nakadalo ka ngayong gabi.”
Huminto si Jace. Tiningnan niya ang nakalahad na kamay ni Rodel bago dahan-dahang nakipagkamay. Simple at walang kaabog-abog ang hawak nito.
“Senator De La Vega,” bati ni Jace sa mababang boses. “I see you made time for tonight’s event.”
“Of course, Governor! Hindi ko pwedeng palampasin ang pinakamahalagang gabi ng ating lalawigan,” sagot ni Rodel. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang iniharap si Celeste. “By the way, Governor, I brought my niece with me. Celeste De La Vega. She handles our public relations and communications.”
Ibinaba ni Jace ang kanyang tingin kay Celeste.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Ang matatalim at madidilim na mata ni Jace ay dumapo sa mukha ni Celeste, bago dahan-dahang bumaba sa kanyang gown, at pabalik sa kanyang mga labi. May gumuhit na pagbabago sa ekspresyon ng Gobernador.
“Miss De La Vega,” bati ni Jace. Ang boses niya ay naging mas malalim. “Nice to meet you.”
Naramdaman ni Celeste ang panlalamig ng kanyang mga daliri, pero pinilit niyang panatilihing pormal ang kanyang boses. “Good evening, Governor Adriano. Congratulations on a successful event.”
“Thank you,” sagot ni Jace, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “I didn’t expect you to be interested in political galas.”
“Inutusan lang ako ng Tito ko,” mabilis at deretsahang sagot ni Celeste.
Bahagyang nag-react ang mukha ni Rodel sa sagot ng pamangkin. Mabilis nitong kinurot ang braso ni Celeste sa likod habang tumatawa nang pilit. “Aha… kung anu-ano talagang sinasabi nitong si Celeste. Ang ibig niyang sabihin, gusto niyang makilala nang mas maayos ang ating Gobernador at matuto sa inyong pamumuno.”
Lalong dumilim ang tingin ni Jace kay Celeste. Alam niyang nagsasabi ng totoo ang dalaga, at halatang pinilit lamang ito ng kanyang uncle.
“Is that so, Senator?” tanong ni Jace, pero kay Celeste pa rin nakatitig. “Well, I value honesty more than flattery.”
“Siyempre, Governor!” singit muli ni Rodel. “Actually, Jace, naitabi ko na ang mga karagdagang papeles para sa infrastructure budget na pinag-uusapan natin nung nakaraang linggo. Baka pwedeng kahit limang minuto lang sa VIP lounge ay mapagkwentuhan natin—”
“Senator,” putol ni Jace habang itinataas ang kanyang kamay para patigilin ang senador. “Tonight is a social gathering, not a board meeting. I don’t discuss budgets over cocktails.”
Napahiya si Rodel, pero pinilit pa ring ngumiti. “Ah, yes! Of course, Governor. Naunawaan ko. Pero baka pwedeng si Celeste muna ang mag-explain sa’yo ng summary? Mas kabisado niya ang PR narrative ng project.”
Tumingin si Jace kay Celeste. “Your niece?”
“Yes! Celeste, stay here with the Governor. Samahan mo muna siya habang kumuha ako ng maiinom natin,” mabilis na sabi ni Rodel, sabay mabilis na tumalikod at iniwan silang dalawa sa gitna ng VIP area.
Malamig na napatingin si Celeste sa papalayong likod ng kanyang uncle. Muli siyang ginamit at iniwan sa tapat ng pinakamapanganib na lalaki sa silid.
Nang makalayo na si Rodel, dahan-dahang lumapit si Jace kay Celeste. Amoy na amoy ni Celeste ang pabango ng lalaki—expensive, mint, and intimidating.
“Your uncle is very persistent,” mahinahong sabi ni Jace habang nakatayo sa tabi niya. “And very sloppy.”
Humarap si Celeste sa kanya, salubong ang mga kilay. “You don’t have to be rude to him, Governor.”
“I am a realistic person, Miss De La Vega,” tugon ni Jace. “He is using you as a distraction so I won’t audit his hidden accounts. Do you really think I’m that naive?”
Kumabog ng matindi ang dibdib ni Celeste. “Alam ko kung anong ginagawa ng Tito ko. At hindi ako pumunta rito para maging distraction mo. If you want to deny his proposal, do it directly to his face. Huwag mo akong idamay sa laro niyo.”
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Jace, tila naaaliw sa matapang na pagsagot ni Celeste. " You have fire in you. Mapangahas ka para sa isang babaeng nakadepende sa pera ng uncle niya.”
“Wala kang alam sa buhay ko,” malamig na sabi ni Celeste. “At wala kang karapatang husgahan ako.”
“Then show me I’m wrong,” bulong ni Jace. Dahan-daha niyang inabot ang baso ng champagne sa dumaan na waiter at inabot iyon kay Celeste. “Walk with me.”
Tinitigan ni Celeste ang baso bago iyon kinuha. “Saan tayo pupunta?”
“Away from these hypocrites,” sagot ni Jace bago tumalikod at naglakad patungo sa nakatagong hallway na patungo sa Executive Balcony ng Kapitolyo.
Walang nagawa si Celeste kundi sundan ang Gobernador. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa harap ng maraming bisita, at mas gusto niya ring makalayo sa maingay na ballroom.
Paglabas nila sa Executive Balcony, mabilis na sumampal ang malamig na hangin ng gabi. Ang balcony ay napakalawak, may mga matataas na poste, at nakatanaw sa buong nagliliwanag na lungsod sa ibaba. Walang ibang tao roon kundi silang dalawa lamang.
Pumunta si Jace sa gilid ng railing at isinilid ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Uminom siya nang kaunti mula sa kanyang baso bago lumingon kay Celeste.
Nakatayo si Celeste ilang hakbang ang layo sa kanya, nakatitig sa ilaw ng lungsod.
“Bakit mo ako dinala rito, Governor?” tanong ni Celeste.
“Jace,” pagtatama ng lalaki. “When we’re alone, call me Jace.”
Napaismid si Celeste. “We are not friends.”
“We don’t have to be friends to use first names, Celeste,” mahinahong sabi ni Jace habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. " You look uncomfortable in that dress.”
“It’s expensive,” sagot ni Celeste. “And my uncle bought it.”
“It looks cheap on you because it’s not your style,” deretsahang sabi ni Jace. Huminto siya sa mismong tabi ni Celeste, sobrang lapit na nararamdaman ng dalaga ang init ng katawan nito. “You look like a bird trapped in a cage that doesn’t fit.”
Napatigil si Celeste. Napatingin siya sa gwapong mukha ni Jace. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin?”
Humarap si Jace sa kanya. Ang kanyang mga mata ay naging mas madilim. “I want to know why a woman with an Australian master’s degree is letting an old, corrupt politician dictate her life.”
Nagtaka at nagulat si Celeste. Naningkit ang kanyang mga mata. “Pinaiimbestigahan mo ako?”
“I investigate everyone who enters my circle,” walang pakundangan na pag-amin ni Jace. “Include you. I know your parents died four years ago. I know your uncle took control of your inheritance through forged guardianship papers. At alam kong nag-iipon ka ng sarili mong pera para makatakas sa kanya.”
Parang tinakasan ng dugo ang mukha ni Celeste. Mabilis siyang humakbang pabalik, pero mabilis din siyang sinundan ni Jace.
“You have no right to dig into my private life!” galit na bulong ni Celeste habang nanginginig ang boses.
“I have the right because your uncle is trying to sell you to me,” malamig na sagot ni Jace. Dahan-dahang lumapit si Jace patungo kay Celeste hanggang sa maipit ang likod ng dalaga sa malamig na concrete pillar ng balcony.
“Hindi niya ako ibebenta sa’yo!” Celeste’s voice broke slightly.
Inilagay ni Jace ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ni Celeste habang nakasandal sa poste ang dalaga, dahilan para tuluyan maipit sa pagitan ng mga braso ng lalaki.
“Then prove it,” pabulong na utos ni Jace. Ang hininga niya ay tumatama sa mukha ni Celeste. “Leave him. Walk away from Rodel De La Vega tonight.”
“Hindi ganun kadali ‘yun!” giit ni Celeste, nakatitig sa mga mata ng Gobernador. “Hawak niya ang lahat! Kapag umalis ako ngayon, ipapasa niya ang lahat ng utang at kaso sa pangalan ng mga magulang ko! He will ruin my family’s legacy!”
“I can destroy him in twenty-four hours, Celeste,” seryosong sabi ni Jace na walang pag-aalinlangan sa mukha. “Isang pirma ko lang sa liquidation audit, Rodel will be behind bars. I can crush him. But I want to know what you are willing to offer me in exchange.”
Napaingit si Celeste. Napakahayop ng lalaking ito. Hindi ito bayani na gustong tumulong; isa rin itong negotiator na gustong kumuha ng kabayaran.
“Anong gusto mo?” tanong ni Celeste habang nagtatagis ang mga ngipin. “Pera? Power? Wala ako niyan.”
Dahan-dahang ibinaba ni Jace ang kanyang tingin sa mga labi ni Celeste. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at idiniin ang kanyang thumb sa gilid ng panga ng dalaga, dahan-dahang hinahaplos ang malambot nitong balat.
“I don’t need money or power, Celeste. I have plenty of both,” pabulong na sabi ni Jace. “I want you.”
Kumabog nang napakalakas ang puso ni Celeste. “What?”
“Be mine,” utos ni Jace. His voice was dark, heavy, and full of authority. “Walk away from your uncle and come with me. Be my assistant, my partner… my secret. In exchange, I will protect you. I will wipe out your uncle’s control over your inheritance, and I will give you back your freedom.”
“Pinapalitan mo lang ang kulungan ko!” sigaw ni Celeste sa mahinang boses. “Gusto mo rin akong kontrolin!”
“There’s a difference, Celeste,” bulong ni Jace, inilapit pa lalo ang kanyang mukha hanggang sa magdikit ang kanilang mga ilong. “Your uncle controls you with fear. I will control you with pleasure.”
Bago pa makapagmura si Celeste, inilapit ni Jace ang kanyang mga labi sa labi ng dalaga.
Napasinghap si Celeste sa gulat. The kiss was sudden, intense, and overpowering. Hindi ito tulad ng isang simpleng halik—it was a declaration of ownership. Idiniin ni Jace ang kanyang katawan kay Celeste, pinalilibutan ito ng kanyang malapad na dibdib.
Sinubukan ni Celeste na itulak ang balikat ni Jace, pero parang pader ang katawan ng lalaki. Ang kamay ni Jace sa kanyang panga ay mas humigpit, dahan-dahang iniaangat ang kanyang mukha para mas lalong lumalim ang halik.
Ang lasa ng alak, ang lamig ng hangin sa gabi, at ang nag-aapoy na labi ni Jace ay nagdulot ng matinding gulo sa isip ni Celeste. Galit siya sa lalaking ito, pero ang bawat haplos at halik ni Jace ay nagpapadala ng kuryente sa buong katawan niya na hindi niya maipaliwanag.
Nang dahan-dahang humiwalay si Jace, pareho silang mabilis ang paghinga. Nakatitig si Jace sa mga labi ni Celeste na ngayon ay namumula at bahagyang nakabukas.
“Now tell me, Celeste,” pabulong pero mariing utos ni Jace habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Tell me to stop… and I swear to God, I’ll ruin us both anyway.”
Napatigil ang mundo ni Celeste. Ang matatalim na mata ng Gobernador ay walang bakas ng pagbibiro. Seryoso ito. Dangerous, obsessed, and unstoppable.
Bago pa makapagsalita si Celeste, biglang bumukas ang glass door ng balcony.
“Celeste? Nandiyan ka ba?” boses ni Senator Rodel mula sa p***o.
Mabilis na lumayo si Jace nang ilang pulgada, pero nanatili siyang nakatayo sa harap ni Celeste, inaayos ang kanyang damit nang tila walang nangyari.
Pumasok si Rodel sa balcony at napatigil nang makita silang dalawa. Ang mukha ng senador ay napalitan ng gulat, bago pumasok ang isang tusong ngiti.
“Ah! Governor Adriano! Nandito pala kayo ni Celeste,” masayang sabi ni Rodel. “I hope my niece didn’t bore you with her talk?”
Tumingin si Jace kay Rodel. Ang kanyang boses ay mabilis na bumalik sa pagiging malamig at pormal. “On the contrary, Senator. Miss De La Vega was very convincing.”
Lumingon si Jace kay Celeste, may pilyong kislap sa kanyang mga mata.
“I’ll expect you in my office at the Capitol tomorrow morning, Miss De La Vega,” sabi ni Jace sa pormal na tono. “We have a lot of terms to finalize.”
Hindi na naghintay ng sagot si Jace. Tumalikod siya at naglakad palabas ng balcony, iniwan si Celeste na nakasandal pa rin sa poste, nanginginig ang mga binti at mabilis ang pagtibok ng puso.
Lumapit si Rodel kay Celeste, bakas ang matinding katuwaan sa mukha nito. “Ano ang pinag-usapan niyo? Pumayag ba siya sa budget? Celeste, sagutin mo ako!”
Tumingin si Celeste sa kanyang uncle. Sa unang pagkakataon, hindi takot ang naramdaman niya sa lalaki—kundi matinding galit.
“Pumayag siya, Tito,” pabulong na sabi ni Celeste habang nakakuyom ang kanyang mga kamay. “Pumayag siya.”
Pagkapasok na pagkapasok ni Celeste sa loob ng kanyang kotse matapos siyang ihatid ng driver ng pamilya mula sa Kapitolyo, doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang nakahawak sa kanyang silver clutch bag.“Tell me to stop… and I swear to God, I’ll ruin us both anyway.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa utak niya ang bawat salitang binitiwan ni Governor Jace Matteo Adriano sa balcony. Hawak pa rin niya ang sariling mga labi—ramdam pa rin niya ang init at matinding diin ng halik ng lalaki. It wasn’t just a threat. It was a promise of destruction.“Ma’am Celeste, deretso na po ba tayo sa condo niyo?” tanong ng driver mula sa front seat.“Y-Yes, Kuya,” basag ang boses na sagot ni Celeste. “Sa condo na lang.”Habang nagbibiyahe pabalik, nakatitig lang si Celeste sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng kapitolyo na unti-unting lumalayo ay parang paalala na nakatali na siya sa isang gintong kadena. Hindi na lang si Tito Rodel ang kailangan niyang takasan
Pagsapit ng gabi ng Biyernes, nakatayo si Celeste sa harap ng full-length mirror sa loob ng kanyang kwarto.Suot niya ang isang floor-length navy blue silk gown na may manipis na straps at plunging neckline—bagay na pilit na pinabili sa kanya ni Tito Rodel. Bagsak ang tuwid niyang buhok sa likod, at minimalist lang ang kanyang alahas. She looked stunning, expensive, and untouchable. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa siyang prutas na ihahain sa hapag-kainan ng mga buwaya.“Celeste! Bilisan mo riyan! Nakahanda na ang sasakyan sa ibaba!” bulyaw ng kanyang Tito Rodel mula sa hallway.Ipinikit ni Celeste ang kanyang mga mata nang ilang segundo, huminga nang malalim, at kinuha ang kanyang silver clutch bag.“Pababa na, Tito,” malamig niyang sagot.Ang Kapitolyo ay nagliliwanag sa gitna ng gabi. Ang Grand Ballroom sa ikatlong palapag ay puno ng mga kilalang pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga prominenteng pamilya mula sa buong lalawigan. Ang ingay ng mga tawanan, tunog ng
“Celeste! Nasaan na ‘yung draft ng press release para sa housing project sa South District? Kanina pa naghihintay si Senator!”Napapikit nang madiin si Celeste De La Vega bago dahan-dahang ibinaba ang hawak niyang ballpen. Huminga siya nang malalim, inayos ang pagkakatupi ng kanyang dress shirt, at humarap sa bumukas na pinto ng kanyang maliit na opisina sa loob ng De La Vega Headquarters.Si Marissa—ang head secretary ng kanyang Tito Rodel—ay nakatayo sa may pintuan habang nakapamaywang at salubong ang mga kilay.“Matatapos na, Marissa. Inaayos ko lang ‘yung computation sa budget allocation,” mahinahong sagot ni Celeste. “Gusto kasi ni Tito Rodel na mukhang transparent ang report kahit alam naman nating pareho na lahat doon ay overstated.”“Diyos mio, Celeste! Huwag mo nga akong idadamay sa mga pinagsasasabi mo,” pabulong pero mabilis na saway ni Marissa habang nakatingin sa hallway. “Ayusin mo na ‘yan at dalhin mo sa main office. Mainit ang ulo ng Senator ngayon. Bwisit na bwisit sa







