Hindi ko nagawang igalaw ang mga paa ko.Nakatayo lang ako sa harap ng courthouse, hawak pa rin ni Alex ang kamay ko, pero parang hindi ko na maramdaman ang init ng palad niya.Ang tanging nakikita ko lang ay ang folder na hawak ng abogado ni Tita Letty.Makapal. Puti. At may tatak ng notaryo sa gilid."Clara?"Boses ni Atty. Reyes iyon.Tumingin siya sa akin, pilit na kalmado pero kita ko ang pag-igting ng panga niya."Let's go inside. Doon natin haharapin yan."Tumango ako, pero hindi agad ako nakagalaw. Tumingin ako kay Tita Letty. Nakangiti pa rin siya. Yung ngiting sanay na sanay akong makita noong bata pa ako - yung ngiti na akala mo mabait, pero alam mong may tinatago."Clara, ija," sabi niya, lumapit pa ng isang hakbang, "Gusto ko lang na maintindihan mo. Ginagawa ko ito para sa mga bata. Hindi para sa sarili ko.""Huwag mo silang idamay sa kasinungalingan mo," mahinang sabi ko, pero sapat na para marinig niya.Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya ulit at naunang pumasok, kas
Last Updated : 2026-09-21 Read more