Pagkababa ko pa lang ng sasakyan sa loob ng aming bakuran, agad akong tumakbo papasok ng bahay. Nanginginig ang buong katawang-lupa ko habang naririnig ko ang iyak ni Alana. Nang masilayan ko ang mukha ng aking anak na buhat-buhat ng isa sa mga tauhan ni Alex, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ko siyang hinablot at niyakap nang napakahigpit, ibinuhos ang lahat ng takot at pighati sa mga luha ko."Baby... oh, my God, baby ko, ligtas ka na," paulit-ulit kong bulong habang hinahalikan ang buong mukha at ulo ni Alana. Tumigil siya sa pag-iyak at isiniksik ang maliit na mukha sa leeg ko, parang alam niyang ligtas na ulit siya sa piling ko.Ilang sandali pa, bumukas ang malaking pinto ng bahay at pumasok si Alex. Suot pa rin niya ang kanyang itim na coat, medyo gusot ang buhok, at may bahid ng alikabok sa balikat, pero ang mga mata niya ay nakatutok kaagad sa amin."Clara..." tawag niya sa mahina ngunit matatag na boses.Agad akong tumayo, dinala si Alana sa kanyang mga bisig. Niyak
Last Updated : 2026-09-08 Read more