CHASE PENDLETON’S POV Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang tahimik na umaandar ang sasakyan sa gitna ng mabigat na traffic. Sa passenger seat, hindi mapakali si Caroline. Kanina pa siya paulit-ulit na tumitingin sa cellphone niya, marahil ay umaasang may bagong balita tungkol kay Luca. Paminsan-minsan ay may itina-type siya, pero agad din niya iyong binubura bago tuluyang ipadala. Hindi ko siya pinansin. Mas mabuti nang hindi. Dahil sa tuwing nakikita ko ang pangamba sa mukha niya, bumabalik sa isip ko ang gabing iyon—ang dugo, ang sigawan, ang hitsura ni Luca habang nakahandusay qt ang sandaling hawak ko ang kutsilyo. Ako ang sumaksak kina Jacob at Luca. Hindi iyon isang aksidente. Hindi rin dahil nawalan ako ng kontrol nang walang dahilan. Ginawa ko iyon dahil nakita ko kung paano saktan at itrato ni Luca si Caroline sa loob ng ilang taon. At kahit anong sabihin ng ibang tao tungkol sa ginawa ko, hindi ko pinagsisisihan ang dahilan kung bakit ko sila hinarap. Luca
Huling Na-update : 2026-09-23 Magbasa pa