Nerisse Villareal’s Point of ViewNang nanumbalik ang aking lakas, at bahagyang lumuwag ang kaniyang bisig sa aking baywang, hinarap ko siya. Itinulak ko rin siya paupo sa aking swivel chair, at tinapunan siya ng masamang tingin.Hindi siya pumalag nang itulak ko siya, kahit pa alam ko naman na wala ang lakas ko kung ikukumpara sa kaniya.Umupo siya sa swivel chair, at bahagyang nakatingala. Nanatili ang kaniyang kamay sa aking balakang, at bahagya akong hinihila palapit sa kaniya.“Kung mambababae ka, galingan mo namang magtago,” bulong ko sa kaniya, at isiniksik ang aking sarili sa pagitan ng kaniyang mga hita. “Nahuhuli kita, eh.”Umangat ang sulok ng kaniyang labi, at ipinilig nang bahagya ang kaniyang ulo.“Hindi ko nga gawain ‘yan, Nerisse,” pahayag niya, pero ayaw kong tanggapin. “Hindi ka pa ba kumbinsido sa naging sagot ko? Kung paano ka manginig, habang ipinapaliwanag ko sa ‘yo?”Walang lumabas na salita sa aking bibig. Umigting lang ang aking panga, at mabilis na inabot ang
Última actualización : 2026-10-04 Leer más