Nerisse Villareal’s Point of View Matapos kong malaman ang tungkol doon, mas naging alerto ako sa buong paligid ko. Alam ko naman na hindi ko kailangang mabahala, dahil kagaya ng sinabi ni Lucien, siya ang bahala sa lahat. Pero hindi ko pa rin naman mapigilan. Kahit pa may mga tauhan siyang nakabantay sa akin, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ‘yon. “Hindi naman siguro ako ang target, hindi ba?” bulong ko, at paulit-ulit kong tinatapik ang mga daliri ko sa table. Isang araw na ang lumipas, at wala namang nagbago kay Lucien. Madalas nga lang siyang pumunta rito kahapon, at dito pa niya naisipang magtrabaho. Ngayon, hindi ko alam kung dadalhin na naman niya ang mga paper work niya rito. “Ang kaso lang, sinabi ni Vaughn na hindi nila alam ang puwedeng mangyari, lalo na’t may mga fiancée sila,” problemado kong wika, at napahugot na lang nang malalim na hininga. Gusto kong maging kalmado, pero paano ko ‘yon gagawin kung alam kong naglalaro sa isipan ko ‘yon? Kinagat ko nang mariin
Last Updated : 2026-10-02 Read more