Nerisse Villareal’s Point of View“Lucien, ano ba?” bulong ko sa kaniya, dahil hindi pa rin siya tumitigil sa paghalik sa aking leeg.Wala man lang bakas ng hiya si Lucien, habang patuloy niya akong hinahalikan sa aking leeg, kahit nakatitig na sa amin ang mga magulang niya, at ang mga magulang ni Aeron. Alanganin akong ngumiti kina Mommy at Daddy, saka sumulyap sa mga magulang ni Aeron. Ngunit hindi man lang sila nailang. Kalmado lang silang nakatingin, na para bang sanay na talaga sila sa ugali ni Lucien. Ang mas ikinagulat ko, hindi man lang nila pinansin si Victoria.Natawa nang mahina si Vaughn habang nakatingin sa kaniyang pinsan. Pagkaraan, bumaling siya sa akin, habang naroon pa rin ang ngiti sa mga labi niya.“Well, kumakapal na ang mukha niya,” pahayag niya na siyang ikinatawa naman ng iba niyang pinsan, at ni Elysia.“Ganiyan na ganiyan din naman si Vittorio noon sa akin. Walang pakialam, kahit maraming tao sa paligid,” natatawang pagkukuwento ni Mommy.“Well, that’s Vieri,
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-11 Mehr lesen