Isa-isang nagsidatingan ang mga empleyado sa Cervantes Group Headquarters. Maaga pa lamang ay abala na ang buong lobby may mga empleyadong nagmamadaling pumasok, may hawak na kape, laptop bag, at ilang dokumentong kailangang ihanda para sa mga meeting.Sa gitna ng ordinaryong umaga sa kumpanya, biglang napalingon ang mga tao nang huminto sa harap ng gusali ang isang itim na luxury sedan.Bumukas ang pinto.Unang bumaba si Marco, kasunod si Adrian.At nang makita ng mga empleyado kung sino ang sumunod na bumaba sa sasakyan, halos sabay-sabay silang napatingin.Si Eliana Reyes.Ang babaeng ilang araw nang laman ng mga balita.Ang babaeng ipinakilala ni Adrian bilang girlfriend niya.Ngunit ngayon, nakasuot ito ng eleganteng corporate attire—blazer, pencil skirt, simple ngunit maayos na blouse, at isang maliit na handbag na bagay na bagay sa kanyang bagong propesyon.Hindi man siya sanay sa ganoong klase ng damit, pilit niyang pinanatili ang maayos na postura.Ngunit sa loob-loob niya, g
Last Updated : 2026-08-25 Read more