Biglang lumapit si Eliana kay Adrian nang makita niyang nakatayo ito sa gilid ng playing field, tahimik na nakatingin sa mga cups na nagkalat sa buhangin.Halatang hindi pa rin nito matanggap ang nangyari.Hindi niya ito sinisi. Alam niyang ginawa ni Adrian ang lahat para manalo. Ilang beses itong nagpagod, nagplano, at nagbigay ng instructions sa team nito. Ngunit sa huli, isang malakas na bugso lamang ng hangin ang nagpabagsak sa kanilang tower.Dahan-dahang hinawakan ni Eliana ang kamay nito.“It’s okay, babe.”Hindi sumagot si Adrian.Nanatili lamang itong nakatingin sa harapan.“Babe,” ulit ni Eliana, bahagyang pinisil ang kamay nito. “Hindi naman lahat ng bagay kailangan mong mapanalunan.”Napatingin sa kanya si Adrian.“Hindi ako sanay matalo.”Napangiti si Eliana.“I know.”Huminga nang malalim si Adrian.“Pero hindi mo kailangang malungkot,” dagdag ni Eliana. “Hindi man nanalo ang team ninyo, nakita ko kung gaano ka kagaling maglaro. You were competitive, but you still play
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-06 Mehr lesen