Nanatiling tahimik si Adrian habang nakatingin sa bagong dating na si Donna. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, sa lahat ng pagkakataon, ngayon pa talaga nito naisipang sumama sa kanilang team building.Samantala, napatingin naman si Eliana kay Donna. Bahagyang nagtaas ng kilay ang dalaga habang sinusubukang basahin ang ekspresyon nito. Mukhang determinado si Donna na ipakita sa lahat na wala siyang pakialam sa sasabihin ng kanyang kapatid sa kanya.Lumapit nang kaunti si Adrian kay Donna.“Akala ko ba hindi ka sasama at hindi ka mahilig sa mga ganito?” tanong niya.Ngumiti si Donna at inayos ang suot niyang sunglasses bago tumingin sa kanyang kuya.“Well, kuya, I can’t exactly skip this, can I? I want to get to know my team personally. I need to support them, and besides, you know me. I’m competitive. I don’t like missing out on anything important.”Napailing si Adrian.“Competitive? Team building lang ito, Donna.”“Exactly,” sagot niya na may mapang-akit na ngiti. “And I intend to
Last Updated : 2026-09-04 Read more