Sa kabilang bahagi ng lungsod, tuluyan nang sumikat ang araw sa tahanan ng Cervantes Mansion.Ang mga sinag ng araw ay unti-unting pumapasok sa malalaking bintana ng mansyon, ngunit kahit maliwanag na ang umaga, tila nananatili pa rin ang bigat ng gabing nagdaan.Tahimik ang dining room.Magkakasama sa breakfast sina Julio, Luciana, at Donna.Nasa harap nila ang masaganang pagkain; mainit na kape, tinapay, itlog, prutas, at iba’t ibang putahe na karaniwang inihahanda sa kanilang mesa. Ngunit wala sa kanilang tatlo ang tunay na nagugutom.Ang bawat isa ay tila may sariling iniisip.Si Julio ay tahimik na nakatingin sa kanyang plato.Si Luciana naman ay panay ang paghawak sa tasa ng kape, ngunit halos hindi niya ito iniinom.At si Donna?Tahimik lamang siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang kanyang mga magulang.Sa likod ng malamig niyang mukha ay may mga tanong at galit na hindi niya ipinapakita.Biglang tumunog ang cellphone ni Julio.Napatingin siya sa screen.Agad niyang nakilala a
Last Updated : 2026-09-13 Read more