Makaraan ang dalawang linggo, tuluyan nang na-discharge si Adrian mula sa hospital.Malaki na ang ipinagbago ng kondisyon niya kumpara noong mga unang araw matapos ang insidente sa isla. Nakakatayo na siya ngayon nang mag-isa, kahit kailangan pa rin niyang mag-ingat sa bawat hakbang dahil hindi pa tuluyang nakakarekober ang kaliwang paa niya. Hindi na rin siya kailangang laging nasa wheelchair, bagama’t ginagamit pa rin niya ito kapag masyadong mahaba ang lalakarin niya.Para kay Eliana, isa iyong malaking ginhawa.Sa loob ng dalawang linggo, halos hindi siya umalis sa tabi ni Adrian. Siya ang nag-aabot ng gamot, kumukuha ng pagkain, at paulit-ulit na nagpapaalala rito na huwag masyadong pilitin ang sarili.Pero ngayong araw, iba naman ang kailangan nilang gawin.Uuwi muna sa probinsya si Carlos.Dahil discharged na rin siya at mas maayos na ang kaniyang kondisyon, napagdesisyunan niyang umuwi muna sa kanilang probinsya upang asikasuhin ang mga naiwan nilang bagay doon at alagaan ang
Last Updated : 2026-09-16 Read more