Inaasahan na rin ni Jillian ang balita tungkol sa pagsasanib ng ilang media offices sa San Felipe.Matapos ang ilang linggong paghahanda, opisyal nang pinagsama ang ilang publication sa RBC TV Station. Mula noon, iisang mas malaking media center na ang kanilang gagalawan, at karamihan sa mga empleyado ay inilipat na rin sa gusali ng istasyon.Sa unang araw ng bagong setup, kakaiba ang atmosphere sa newsroom.Mas maraming tao. Mas maraming desk. Halos sabay-sabay ang tunog ng keyboards, telepono at mga boses ng reporters na nakikipag-coordinate sa kani-kanilang assignments.May excitement sa ilan, pero may halong kaba rin.Hindi lahat ay nakaligtas sa restructuring.Dahil sa pagbabago, may ilang empleyadong natanggal, habang ang iba naman ay inilipat sa ibang department.Para kay Jillian, may isang magandang bagay naman itong naidulot.Makakasama niya ulit sina Emma at iba pa niyang dating katrabaho.Pagkaupo niya sa bago niyang workstation, inilibot niya ang tingin sa paligid. Pamilya
Last Updated : 2026-08-27 Read more