Manila.Mag-aalas-siyete na ng gabi nang matapos ang meeting ni Bryan.May ilang nag-aya sa kanya na mag-dinner, pero ngumiti lang siya at magalang na tumanggi.“Sorry, may pupuntahan pa ako tonight.”Napatingin sa kanya ang isang matandang businessman na matagal na niyang kakilala.“Bryan, parang may nagbago sa ’yo.”Tinaasan niya ito ng kilay.“Ano naman?”“Dati, trabaho lang ang iniisip mo. Ngayon parang nagmamadali kang umalis.”Napangiti nang bahagya si Bryan.At dahil doon, natawa ang matanda.“May girlfriend ka na, ’no?”Hindi na niya itinanggi.“Yes.”“Finally.”Napailing ang matanda.“Akala ko RBC na lang ang pakakasalan mo.”Napatawa si Bryan.“Hindi na ngayon.”Bago siya tuluyang makaalis, may isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa kanya.“Bryan.”Huminto siya.“Mr. Lim.”Matagal nang kakilala ng pamilya Chen ang pamilya Lim.May ilang negosyo rin silang magkasama noon, kaya hindi na bago kay Bryan ang lalaki.“May oras ka ba? Sandali lang.”Tumango siya.Umupo sila sa lou
Last Updated : 2026-09-01 Read more