Nang gabing iyon, tila sinadya ni Bryan na ipaalala kay Jillian ang lahat ng “magagandang katangian” na buong tapang niyang binanggit sa sasakyan.Pareho silang naging sobrang abala nitong mga nakaraang araw.Halos wala silang oras para kumain nang sabay. Minsan, tulog na si Jillian pagdating ni Bryan. Minsan naman, wala na ang lalaki nang magising siya.Kaya nang gabing iyon, parang pareho nilang ayaw sayangin ang kahit isang minutong magkasama sila.Pagpasok pa lang nila sa condo, hinila na siya ni Bryan palapit.“Bryan...” natatawang protesta niya.Pero sa halip na sumagot, inilagay lang ng lalaki ang isang kamay sa bewang niya at marahan siyang hinalikan.Hindi iyon nagmamadali.May halong pangungulila, pananabik at lambing.Sa pagitan ng bawat halik, naririnig ni Jillian ang mababang boses nito.“Na-miss kita.”Napangiti siya.“Magkasama naman tayo kagabi.”“Hindi sapat.”“Ang demanding mo.”“Sa’yo lang.”Hindi na siya nakasagot.Dahil muli siyang hinalikan ni Bryan.At sa pagkak
Last Updated : 2026-09-03 Read more