"You can stay here, Ezrha," wika ni Doña Felicia. Napailing ako sa kaniya. "Hindi na po. Magbo-book na lang po muna ako ng hotel. At saka, may pupuntahan din po kasi ako," nakangiting wika ko pa sa kaniya. "Saan ka ba pupunta? Ihahatid na lang kita kung ganoon," singit ni Mario. Napalingon ako sa kaniya. Abala siya sa pagtitipon ng buhok ni Lexie upang hindi ito humarang sa mukha niya. "Thank you, Tito," nakangiting wika ni Lexie rito. "Huwag na, Mario. Kaya na naman namin ni Lexie. Marami namang puwedeng sakyan," pagtanggi ko pa. "Hay naku, wala talaga akong magagawa sa 'yo. Saan ka ba pupunta? Akala ko nga ay bibisita kayo rito at magtatagal ka pa," may halong tampo na wika ng matanda. Bigla akong nakaramdam ng konsensiya. "U-uh... may ipapakilala lang sana ako kay Lexie, Doña Felicia." Tumaas ang kilay ng matanda. "Sino naman?" nagtatakang tanong niya. Maging si Mario ay napatuwid ng tayo. Tila hinihintay din niya ang magiging sagot ko. "I want Lexie to meet h
Dernière mise à jour : 2026-10-26 Read More