Mas pinili kong piliting ituon ang atensiyon ko sa ginagawa ko. I kept myself busy. Marami pa ang mga taong nakapila, kaya wala akong dahilan para magpaabala sa mga bagay na hindi ko naman dapat iniintindi. Maya-maya pa ay dumating ang mga kahon ng pagkain. Napalingon ako muli sa direksiyon nina Axel. "Bigyan ninyo ng pagkain ang mga pumipila para may makain sila," narinig kong utos niya sa ibang volunteers. "Ako na riyan, Ma'am. Pahinga po muna kayo. Kanina pa kayo rito, eh," wika ng isang lalaking volunteer sa akin. "H-hindi, okay lang. Pero puwede ka ring dito. Tutulong lang ako sa pamimigay ng pagkain sa mga nakapila," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Sure po, Ma'am. Pero puwede po kayong magpahinga kapag pagod na kayo, ah." "Ikaw rin. Puwede tayong magpalit ng puwesto para makapagpahinga ka rin. Just tell me, okay?" Napakamot ng batok ang lalaki. Napansin ko ang biglang pamumula ng mga tainga at pisngi niya. Napaiwas din siya ng tingin sa akin. "Sure po. Thank y
Last Updated : 2026-10-29 Read more