Days passed, and mas nasanay na ako na kasama namin si Axel sa bahay. I didn't offer him a place to stay under my roof. Nagulat na lang ako nang bigla siyang magdala ng mga gamit niya rito. Although, yes, may kakarampot pa siyang mga damit dito, pero higit na mas marami na ang dala niya ngayon.Nakapamaywang ako sa harap niya habang pinapanood siyang inilalabas ang mga damit niya sa maleta. Napasapo ako sa noo nang makita ang tatlong maletang nakapatong sa sahig."A-ano'ng ibig sabihin nito?" takang tanong ko sa kaniya.Napaangat siya ng tingin sa akin."Umalis na ako sa condo ko. Mahal ang bayad. Isa pa, may trabaho ka, kaya mas mapapadali ang lahat kapag nandito ako. Ayaw mo no'n? Pag-uwi mo, nakahanda na ang lahat para sa 'yo. Mahirap kapag mag-isa ka lang dito sa bahay, Ezrha. Mas maganda kapag may kasama ka. To ensure your safety, and of course, para makasama ko ang anak natin," mahabang paliwanag niya.Ngunit may isang bagay akong ayaw paniwalaan.Wala siyang pera.Si Axel? Mawa
Dernière mise à jour : 2026-10-16 Read More