"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m
Dernière mise à jour : 2026-11-20 Read More