Pagsapit ng hapon, nagtungo kami sa Sleeping Beauty Castle. Hindi ko napigilang mapahinto nang makita ko ito nang malapitan. Napakaganda ng kastilyo, lalo na sa liwanag ng araw, at ang mga taong nakapaligid dito ay abalang kumukuha ng kani-kanilang litrato. "Axel, look at that," bulong ko. He glanced at the castle before looking back at me. "Beautiful, isn't it?" Tumango ako. "Very." Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kastilyo, bigla niyang kinuha ang cellphone niya. "Let's take a picture," marahang paanyaya niya sa akin. "Of the castle?" tanong ko. Pakiramdam ko'y ako naman ang nabuhayan ngayon. "Of us, baby,", nakangiting wika niya. Napatingin ako sa kaniya. "Here?" He raised an eyebrow. "Why not?" Bago pa ako makasagot, inilapit niya si Lexie sa amin at inayos ang maliit na Mickey Mouse ears nito. Pagkatapos ay iniabot niya ang cellphone sa isang staff member na nag-aalok na kumuha ng litrato para sa mga bisita. "Could you take a picture of us, pl
Dernière mise à jour : 2026-10-18 Read More