Umalingawngaw ang malakas na sampal na iginawad ni Mama kay Ma'am Sandra. Napasinghap ako sa nakita. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito, Sandra!" sigaw ni Mama sa kaniya. Napalingon ako kay Sir Larex. Bahagya siyang gumalaw, tila unti-unti na ring nagigising dahil sa dalawang babaeng nagbabangayan sa tabi ng kaniyang hospital bed. "Bakit hindi ko idadamay ang anak mo? He stole my son from me! I was trying to push her away, pero sadyang matigas ang ulo niya. Sa tuwing makikita ko siya, ikaw lang ang naaalala ko. Naalala ko ang kalandian mo! At alam ko kung ano ang puno, ganoon din ang magiging bunga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganiyan na lamang kadesperada ang anak mo sa anak ko!" Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Ngayon, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Ang galit na hindi kayang pigilan ni Ma'am Sandra. Ang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Ako ang naging puntirya ng lahat ng iyon, kahit ang totoo, nadamay lamang ako sa galit niya kay Mama. Kung
Last Updated : 2026-11-20 Read more