"Oh, nandito na pala kayo. Natagalan kayo, ah," bungad ni Mama nang makauwi kami."Pasensya na po," tanging nasabi ni Axel.Napalingon ako sa kaniya. Tahimik niyang inilalapag ang mga pinamili namin sa lamesa.Kanina, habang nasa biyahe, walang naglakas-loob na magsalita sa aming dalawa. Inaasahan kong tatanungin niya ako tungkol sa sinabi ni Mario. Ngunit wala akong natanggap ni kahit isang tanong mula sa kaniya.Bagay na ikinabahala ko. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya roon o hindi.Kasi kung magtatanong siya sa akin tungkol dito, hindi ko rin alam ang isasagot. Hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko ba ang hindi niya pagtatanong o mas mabuti pang maging kampante na lamang ako roon.Ngunit hanggang kinagabihan, nababahala pa rin ako."Ang tahimik yata ni Kuya Axel ngayon, Ate," bulong sa akin ni Rafaella habang naghuhugas kami ng pinggan.Tapos na kaming kumain. Ngunit ni kahit isang sulyap mula kay Axel ay hindi ko natanggap.Napansin kong nakikipaglaro pa rin siya kay Lexi
Dernière mise à jour : 2026-11-08 Read More