공유

146

작가: Allecorianna
last update 게시일: 2026-10-23 12:03:07

MIRABELLA

Samantala, si Adam ay halatang hindi na mapakali. Panay ang sulyap niya sa akin, at tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay agad siyang umiiwas ng tingin. Nang punasan niya muli ang noo niya, hindi ko na napigilang mapangiti nang bahagya sa kabila ng inis ko.

Daddy, bakit parang ikaw pa ang mas kinakabahan kaysa sa akin?

“Adam, bakit ka pinagpapawisan?” tanong ni Cecelia nang mapansin ang ginagawa niya. “Mainit ba rito? Gusto mo bang lumipat tayo sa ibang lugar?”

“Hindi. Ayos lang ak
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Cherryl Caspillo
nakakabitin naman yung episode
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Sa Bisig ni Byenan   212

    MIRABELLAHindi ko alam kung paano ako nakauwi sa mansyon ni Renzo.Pagkatapos sabihin ni Dindo na siya ang pumatay kay Jonas, para bang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko. Hindi ko na maalala kung ano ang naging sagot ko sa kaniya, kung may iba pa ba siyang sinabi, o kung paano natapos ang pag-uusap namin. Ang malinaw lang sa isip ko ay ang mukha niya nang aminin niyang siya ang pumatay sa dati kong asawa.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salitang iyon.Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, magalit, o makaramdam ng ginhawa dahil wala na si Jonas. Marami siyang ginawang kasalanan sa akin. Pero kahit ganoon, hindi ko kailanman inisip na dapat siyang mamatay. Hindi ko ginustong may pumatay sa kaniya, lalo na sa paraang hindi ko man lang nalaman hanggang sa sabihin iyon sa akin ni Dindo.Pagdating ko sa mansyon, hindi ko agad naibalik sa bag ang cellphone ko. Hawak-hawak ko pa rin iyon habang nakatayo sa may pintuan, na para bang may inaasahan akong tawag o m

  • Sa Bisig ni Byenan   211

    MIRABELLA“ANO?”“Hindi ko talaga tinuturing na kaibigan si Jonas,” may diin niyang sabi.Hindi ako nakapagsalita. Unti-unting nabuo sa isip ko ang lahat ng sinabi niya. Ang mga paninira, ang pagkawala ng tiwala ng investors, ang mga problemang sunod-sunod na dumating…hindi lang pala iyon para tulungan si Jonas. May sarili siyang layunin mula pa sa umpisa.“At nang tuluyan nang bumagsak ang kumpanya, bakuha ko ang gusto ko. Ako na ang naging CEO. Si Jonas, wala na siyang kontrol sa negosyo. Sa huli, ako ang nakinabang sa lahat ng nangyari.”Napailing ako. “Ganoon? Hindi mo talaga siya tinulungan dahil kaibigan mo siya. Ginamit mo siya para makuha ang kumpanya.”“Oo.”“Bakit?” Napataas ang boses ko nang bahagya, pero agad ko ring pinigilan ang sarili ko.“Bakit mo kailangang gawin iyon? Ano ang ginawa ni Jonas sa iyo? Bakit mo siya trinaydor?”Saglit siyang nanahimik. Napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi na iyon ang mukha ng isang taong mahinahong nagkukuwento tung

  • Sa Bisig ni Byenan   210

    MIRABELLAIlang beses kong binasa ang mensaheng ipinadala sa akin ni Dindo bago ko tuluyang isinara ang cellphone ko. Nandoon ang pangalan ng café na gusto niyang puntahan namin, pati ang oras ng pagkikita. Hindi ko alam kung ano ang mahalagang bagay na gusto niyang sabihin sa akin. Pero dahil siya mismo ang tumawag at nagpakilala, naisip kong mas mabuting harapin ko siya kaysa maghinala nang maghinala.“Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?” hindi ko napigilang usal.Hindi ko naman inaasahang magkakaroon pa kami ng personal na pag-uusap matapos ang lahat ng nangyari sa kumpanya. Naging bahagi si Dindo ng mga problemang kinaharap ko nang maging investor siya ng kumpanya. At kahit hindi ko pa alam ang buong kuwento, alam kong may mga bagay na hindi niya sinasabi sa akin. Kaya nang dumating ang araw ng pagkikita namin, sinigurado kong handa akong makinig, kahit pa ang mga maririnig ko ay muling magbukas ng mga sugat na pilit kong pinaghihilom.Nang makarating ako sa café, agad kong napan

  • Sa Bisig ni Byenan   209

    MIRABELLA HALOS isang buwan na rin akong nananatili sa mansyon ni Renzo. Sa kabila ng pagiging abala namin sa pag-aayos ng investment ko, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang lahat ng nangyari. Minsan, pakiramdam ko ay kailangan ko lang lumabas at huminga nang maluwag, kahit ilang oras lang. Kaya nang maisip kong pumunta sa mall nang mag-isa, sinabi ko agad iyon kay Renzo. Hindi naman siya tumutol. Tinanong lang niya kung saan ako pupunta at kung kailangan ko ba ng kasama, pero sinabi kong gusto kong mapag-isa muna. “Gusto ko lang magpalipas ng oras sa labas. Kakain ako at maglalakad-lakad,” paliwanag ko. “Sigurado ka bang ayaw mong may sumama sa iyo?” tanong niya. “Mas gusto ko munang mag-isa, Renzo. Kailangan ko lang ng peace. Ayokong isipin muna ang mga problema ko kahit sandali.” "Okay sige maiintindihan naman kita. Kahit ako minsan lumalabasa din talagang mag-isa. Masarap din naman kasi sa pakiramdam na gumala mag-isa. Mas nakakapag-isip isip ka." "Oo tama ka...salamat sa p

  • Sa Bisig ni Byenan   208

    ADAMHabang nakatingin ako sa larawan ni Jonas na nakasabit sa malaking pader ng bahay na ito, pilit kong inuunawa kung bakit hindi ko maramdaman ang matinding pagdadalamhati na inaasahan kong mararamdaman sa pagkawala ng anak ko. Masakit sa akin na wala na siya. Kahit gaano karami ang kasalanang nagawa niya, anak ko pa rin siya. Pero hindi ako umiyak nang sobra. Hindi ko nagawang magluksa nang tulad ng ibang magulang na nawalan ng anak.Minsan, naiisip kong baka dahil sa lahat ng ginawa ni Jonas ay unti-unti na akong nawalan ng ganang magluksa para sa kaniya. Marami kaming pinagdaanan, at sa huling bahagi ng buhay niya, mas nangingibabaw ang galit at pagkadismaya kaysa sa pagmamahal na dapat sana ay nararamdaman ko bilang ama.Pero habang nakatitig ako sa larawan niya, may isa pang sakit na mas malinaw kong nararamdaman. Ang sakit ng pagkawala ni Mirabella.Hindi ko alam kung bakit mas mabigat sa dibdib ko ang pag-alis niya kaysa sa pagkamatay ni Jonas. Hindi ko gustong maliitin ang

  • Sa Bisig ni Byenan   207

    MIRABELLA Hindi muna ako magpapakita sa kahit na sino. Iyon ang naging desisyon ko matapos ang lahat ng nangyari. Kailangan ko munang lumayo sa mga taong naging bahagi ng buhay ko, hindi dahil gusto ko silang kalimutan, kundi dahil kailangan kong buuin ang sarili ko nang hindi umaasa sa kanila. Hindi ko kayang harapin si Adam sa ngayon. Hindi ko rin kayang bumalik sa dati kong buhay na para bang walang nangyari. Marami akong kailangang ayusin, at ang una kong dapat gawin ay siguraduhing hindi na ako muling mawawalan ng kontrol sa sarili kong kinabukasan. Nasa sala ako ng mansyon ni Renzo nang ilapag ko sa mesa ang folder na ilang araw ko nang pinag-aaralan. Nasa loob nito ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa restaurant at sa mga franchise ko. Matagal kong pinangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Pinaghirapan ko ang bawat branch, bawat kontrata, at bawat oportunidad na dumating sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng pagsisikap ko, dumating ako sa puntong kailangan kong tanggapi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status