"ANO BA TALAGANG BINABALAK MO, HA MARGAUX? Akala ko ba asar na asar ka kay Rico. Eh bakit gusto mong maka-date?"Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan niya sa kaibigan, "Secret," aniya pa na lalong nakapagdagdag ng curiosity nito."Bestie, tell me, anong tumatakbo sa utak mo?" Giit nito, na parang hindi siya nito titigilan hanggang hindi niya ipinagtatapat ang lahat ng mga plano niya."Ay naku, bye-bye na," tipid na sabi lang niya dito, "Pagod na ko, at saka nagugutom na rin ako." sabi niya rito, dinampot na niya ang kanyang bag mula sa mesa, "Mauna na ako saiyo, best." hindi na niya hinintay pang sumagot si Bernadette. Naglakad na siya patungo sa sakayan ng jeep. Pero ngingisi-ngisi siya habang naalala ang itsura ni Rico kanina nang talunin niya ito sa table tennis.Ilang beses niya itong dinistract habang naglalaro sila. Natagumpay naman siya. Akala nga niya, hindi ito tatalaban ng charm niya. So far, effective naman. Sinasabi na nga ba niya at may crush rin sa kanya ang l
Última actualización : 2026-09-02 Leer más