“Aray ko! Mamat*y na yata ako,” malakas na daing ng abuela ni Gino habang nakahawak sa kanyang noo at bahagyang nakasandig sa mahabang sofa sa loob ng ancestral house ng mga Tan.Nakatingin dito si Gino na puno ng pag-alala. Bumisita ito sa matanda ng mabalitaang may dinaramdam ito.“Lola, sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari?” puno ng pag-alalang tanong nito.“Nitong mga nagdaang araw, dinalaw ako ng Lolo mo sa panaginip, kumakaway siya akin, sinusundo na yata ako, alam mo bang hindi na ako nakakain ng maayos sa kakaisip sa Lolo mo, samantalang ikaw ay wala man lang oras para dalawin ako,” alburuto ng matanda sa apo.“Lily,” sambit ng matanda ng mapansin nito si Lily. Nandun siya dahil nag-alala din siya sa kalagayan ng matanda, kahit papano ay magiliw ito sa kanya, kaya kahit galit pa siya kay Gino ay hindi niya matiis ang abuela nito.Napalingon si Gino sa kanya at tinitigan siya ng matagal, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng konting hi
最終更新日 : 2026-09-12 続きを読む